Chapter 18

246 128 278
                                    

Chapter 18: Isa.. Dalawa..

Charles' POV

"Sure ka ba dito tol?"

"Ano bang tanong iyan? Syempre hindi.."

"Bahala ka. Kung laro lang naman.. huwag mo nang ituloy."

"Ang seryoso mo naman masyado." sabay mahinang suntok ko sa braso ni Dave.

Papunta kaming mall para makipagkita kay Michelle. My new girlfriend. Medyo nagutom ako kaya kinuha ko ang soda can sa likod ng kotse niya.

"Uyyy para kay Irene iyan. Ano ba iyan.."

"Bilhan kita mamaya.. Ano ba itong iniinom ni Irene. Puro coke.. allergic ba siya sa tubig?"

"Gago.. Puro kasi kayo tubig ni Nat."

Napatingin ako sa coke na hawak ko. Huh.. Sumasakit tiyan niya dito eh. Binuksan ko ang bintana at tinapon ang can.

"Gago ka.. Sayang iyun"

Sinindihan ko ang sigarilyong nasa bulsa ko.

"Ayan na naman tayo eh.. masaya na iyun. Move on ka na kasi.."

"Ayoko.." sabay buga ko ng usok.

"Napag iiwanan ka na. Lahat sila masaya na.."

"Hindi siya masaya.. Hindi siya magiging masaya sa iba."

"Sa tingin mo magiging masaya siya kapag nakita ka niyang ganiyan? Tol.. may Kyle na si Nat.."

"Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan ng gagong iyan."

"Oh.. Sorry.. Kalmaa."

Nakarating kami sa mall mga 9:00. Hindi pa kami nakakarating sa café ay nakita ko sina Niana kasama si Kyle. Agad akong napa ayos ng buhok at damit ko. Hindi ko maialis ang titig ko sa kaniya.

Kamusta ka Nat? Naging malaya ka ba nang nawala ako? Ako kasi parang nakulong na. Ang dilim dilim nang wala ka.

"N-Nat.. K-kayo pala" bati sa kanila ni Dave pagkatapos akong lingunin.

"2nd monthsary namin." pagmamayabang ng gago.

"Oh... Happy two months" Aba binati pa ng isang gago.

"Kayo?" paki mo ba kung saan kami pupunta.

"May sinusundo lang" Agap ni Dave.

"Sino? Girlfriend mo?" Paki alam mo? Tiningnan ko siya ng masama.

"G-girlfriend ni Charles" nagpalipat lipat ang tingin niya mula kay Nat papuntang sakin.

I didn't leave my vision on her. Ramdam kong ayaw niya akong tingnan. Tuwing magtatama ang paningin namin ay agad siyang umiiwas.

Ganiyan mo ba ako kagustong ayaw makita? Don't you miss me Nat? Hanggang ngayon ba nasasakal ka pa rin sa akin?

"L-let's go babe" kumulo ang dugo ko nang akbayan niya si Niana.

"You know what.. Why don't you come with us. We'll just have some sweets and we'll go home." I butted in.

Kahit sandali lang Nat. Gusto lang kitang makita. Kahit sandali lang please. Miss na miss na kasi kita.

"Tol.." higit sa akin ni Dave. Nakita kong napayuko si Nat.

Ayaw mo Nat? Ayaw mo ba? kasi okay lang din.. Kung iyan ang gusto mo..

"Is it okay with you babe?" hindi ako makatingin sa kanila. Napakuyom ako ng kamao ko.

"O-okay.. I'll just tell mama I'll be late..babe"

Letters Love, YouWhere stories live. Discover now