Chapter 16

262 139 330
                                    

Chapter 16: End game

"Kung nanalo sana tayo sa tug of war, edi sana tayo na ang champion" Chloe's rants while we are eating our lunch.

Each group has their own tables to eat. This intramurals main goal is to make friends and know how to socialize kaya halos lahat ng activity ay kasama namin ang aming team.

"Okay na rin naman ang second place Chloe. Don't feel bad na" I told her. Nakita ko kasing hindi komportable si Kyle sa topic.

"Pero diba? Mas okay sana kung first place" okay.. I get her obsession for being number one.

"Guys softdrinks oh. Nabili ko sa labas. Kuha na kayo" sabi ni Steve.

Biglang sumaya ang mga kasamahan namin dahil malamig ito at nagyeyelo pa sa tigas. Tamang tama dahil sobrang init ngayon.

"Nat oh!" Abot sakin ni Kyle. Napatingin ako sa nanlilisik na mata ni Chubs.

"Ngayon lang please."

"Hindi na" sabay agaw niya sa inabot ni Kyle.

"Minsan lang naman Charles. Pagbigyan mo na si Niana" pangungumbinis ni Issa.

"Bilhan nalang kita ng malamig na tubig sa labas. Huwag na to" agad niyang binigay sa iba ang softdrinks.

"Ang KJ naman" rinig kong bulong ni Kyle at nagpatuloy na sa pagkain.

"Mabuti nang KJ kaysa magkasakit ka ulit" parinig niya kay Kyle habang nakatingin sakin. Tumango nalang ako sa kaniya.

Nagka ulcer ako last year. Muntik na akong operahan pero dahil sa mga gamot ay hindi na rin masyadong sumakit ang tiyan ko kaya pinagbawalan nalang ang mga pakain at inuming makakapag trigger ng ulcer ko.

Tama naman si Chubs. Tsaka kung may tubig lang din naman hindi na ako maghahanap ng iba pa. Okay na ako sa tubig.

"Walang tatagal sayo kung ganiyan ka kahigpit." This time ay diretso itong sinabi ni Kyle kay Chubs.

Hinawakan ko ang braso ni Chubs nang umamba siya lumapit kay Kyle.

"Chubs its okay." Bulong ko. Naramdaman kong lumambot na ang kamay ni Chubs.

"Hindi ako susuwayin ni Nat. Tandaan mo iyan"

"Tingnan natin" sarakstikong tawa ni Kyle.

"Hey hey! Tama na iya guys. Sana pala hindi nalang ako bumili" si Steve.

"Sorry" I apologetically mouthed Steve. He just nod and assured me its okay.

Sobrang init ngayong tanghali kaya hindi na ipinagpatuloy ang iba pang mga laro. Pagkatapos ng awarding mamaya ay may sayawan kaya ibinigay nalang itong oras sa amin para maghanda. Pinayagan din kaming maligo sa sapa pero may mga guro paring nagbabantay.

Naglibot libot muna ako para hanapin si Dave. I have to gave him this letter.

"Ang init" sabay paypay ko sa sarili. Tagaktak na rin ang pawis ko nang nakita ko si Dave.

"Pakibigay Dave" sabag abot ko ng papel.

"O-okay Nat. Punta muna ako kay Irene"

"Sige Dave. Salamat." 

Pabalik na ako sa table namin nang nakasalubong ko si Chubs na may payong.

"Sa'n ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap" sabi niya at isinulong ako sa payong niya.

"May hinanap lang" huminto kami at hindi niya inaalis ang tingin niya sakin kahit anong iwas ko.

"Ito na ang tubig mo." Tinanggap ko ito.

Letters Love, YouWhere stories live. Discover now