Chapter 8

313 171 352
                                    

Chapter 8: Secret

"Oh ano iyan Kyle?" Tanong ni Irene kay Kyle nang makita akong masama ang tingin dito. Tawa lang ang naisagot niya dito.

"Guys itawag niyo kay Nat Ate ha" sabi ni kyle nang nakaupo na ang lahat sa mesa. Sinipa ko siya dahil dito. Tinawan niya lang ako.

"Bakit? Ilang taon ka na ba Nat?" Tanong ni Camille.

"Kaka-18 lang"

"Oh? Bakit ate? Matanda pa tayo sa kanya" sinamaan ko nang tingin si Kyle na ang ibig sabihin ay tumahimik siya.

"Ayan na. Galit na siya" sabi niya at humagalpak na naman ng tawa.

"Bakit nga?" Hindi na nakapagtimpi si Camille at sumama na rin sa pagtatanong.

"Hindi... Kasi pumunta ako kahapon sa kanila. Nakita ko kung paano niya alagaan mga kapatid niya. Wala. Ang cute niya lang" sabi niya habang tinitingnan ako.

"Parang patay na patay tayo ah" tukso sa kanya ni Andrew. Nagtawanan lang sila at nag apir sa isa't isa.

"Ateee" tawag nilang lahat sa akin.

"AHHHH. Stop it guys" tinawanan lang nila ako.

"Ilang taon na ba kapatid mo Nala?" Kuryosong tanong ni Irene.

"3 years old. They are twins"

"Really? Ang cute. May picture ka?"

Saktong kukunin ko na ang phone ko nang may pinakita si Kyle sa kanilang litrato namin sa phonr niya kahapon.

"Eto guys oh"

Yung picture ay yung nakadagan si Dainah sa kanya habang nakahiga siya at kami naman ni Farah yung nasa tabi niya. Ang haggard ng mukha ko. Mygad.

"Ang cute" halos puri nilang lahat.

Natapos ang almusal nang hindi pa rin sila maka get over sa mga kapatid ko. Gustong gusto nila ito dahil na nga kambal.

Nag volunteer akong maghugas ng pinggan kaya ako lang mag isa dito sa kusina. Ang gusto kong katahimikan ay nabasag nang sumunod sakin si Kyle.

"Galit ka sakin Ate?" Tanong niya habang nakasandal sa lababo.

"Nakakainis ka" sabi ko habang nililibang ang sarili sa mga pinggan.

"Sige, titigil na ako" hindi ko nalang siya pinansin. Siya naman kasi ang may dahilan kung ba't ako naiinis.

"Okay. Let's hug" dinipa niya ang mga kamay niya kaya lumapit ako para mayakap niya ako.

"Then kiss" muntik niya na akong mahalikan sa pisngi nang lumayo ako sa kanya at natawa na naman siya.

"Umalis ka na nga. Nang iinis ka na naman eh" tinawanan niya lang ako pinuntahan na nga ang iba pa naming kasama.

I know he is just playing with me but I really got irritated when he is trying to tease me in our way of disciplining my sisters.

Everyone decided to swim outside. I am wearing my racer back bra but Kyle said I should wear his jersey. I like it naman kaya hindi na ako nagpumilit pang alisin ito. Marami kaming ginawa sa pool. Naghabulan, nag volley ball at marami pa.

Lahat ng boys ay umahon na sa tubig at kami nalang nila Irene at Camille ang nandito sa pool. Nakaupo ako sa taas at ang mga paa ko lang ang nakalublub sa tubig. Dalawa naman sila ang nakatayo sa pool.

"Nat, nanliligaw si Kyle?" Nahihiya akong tumango kay Camille.

"We know how strict Charles is, in terms of you. You think papayag siya.. you know what I mean." Sabi ni Irene sakin.

Letters Love, YouWhere stories live. Discover now