CHAPTER 13-SECRETARY

59 5 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

Secretary

Gaya nga ng sinabi kanina ni Jaime, pagkatapos mag lunch ni Heaven ay nag libot na sila sa buong building. Sobrang napagod si Heaven duon dahil sa luwag ng building. Sana ay nag flats muna siya. Bakit kasi hindi niya iyon naisip kanina?

Ang masasabi lang naman ni Heaven ay maganda ang pag kakagawa ng building na ito. Iyong design is kakaiba. Kung maganda na ang office niya, kung titignan iyong kabuuang building, siguradong mamamangha ang titingin non. It's breath taking.

Daldal lang naman ng daldal ang secretary ni Heaven habang nag lilibot silang dalawa. Bilib si Heaven dahil alam na alam ng lalaki kung saan sila pupunta at kung ano ang meron sa building na iyon.

Memorized? Ang galing pumili ng mommy niya. Gwapo at matalino si Jaime but she's not interested. Nagsasayang lang ito ng panahon. Hindi na rin naman nag eenjoy si Heaven sa laro nila kaya kapag nasa office na sila, kakausapin na niya ang lalaki.

Walang nababasa na kahit na anong emosyon sa mukha ni Heaven. Gusto niyang katakutan na siya ng mga empliyado niya. Ayaw naman niyang mag mukhang mabait pero masama pala ang ugali niya. Hindi naman siya ganon kasama, basta ayaw niya lang ang may tatangatanga at baka masesante niya na iyon agad.

Subukan nilang ipakita ang katangahan nila kay Heaven, paniguradong maghihirap sila pero pag nagustuhan naman ni Heaven ang empliyado niya, paniguradong magbibigay siya kaagad ng raise sa sahod nila.

Ibinigay na ng ina niya ang kumpanya kaya huwag sana mag sisi si Hera na ibinigay niya iyon kay Heaven dahil sa pagiging nakakatakot na leader. Pero pag ratings ng kumpanya ang pag uusapan, paniguradong wala ng masasabi si Hera dahil sa mabilisang pag taas ng kumpanyang hawak ni Heaven.

Her child is a genius. Noon pa lang alam na nil ana kakaiba si Heaven. Sa bilis nitong matuto at mag sawa sa isang bagay, iba siya sa ibang mga bata pero ginawa naman nila ang makakaya nil ana maging normal ang buhay ni Heaven kahit papaano.

Nakita nilang nagiging masaya naman ito na parang normal na bata lalo na kapag kasama nito si Drake. Nagpapsalamat si Hera dahil nandyan si Drake para maging kaiibigan ng kanyang anak. Napansin niya na sobrang haba ang pasensya at pang uunawa ng batang lalaki sa kanyang anak kaya labis siya natutuwa.

Nang natapos na maglibot si Heaven. Bumalik na sila ulit sa office niya. Naupo siya agad sa couch na nanduon upang makapagpahinga. Napatingin si Heaven sa secretary niya na nakatayo sa gilid niya at napansin niya ito na titig na titig sa kanya.

"Mr. Clarkson. Sit down. Lets talk about the reason why you're here." Heaven said then point her finger to the vacant couch.

Napansin ni Heaven ang biglang pag kakaba ng lalaki kaya hindi niya maiwasang mapangisi. Sinunod naman siya ng lalaki at agad naupo sa couch na tinuro niya kanina.

"Hindi na kasi ako nag eenjoy kaya tatapusin ko na iyong laro ah." She said with a smile. Napalunok naman si Jaime dahil sa kaba.

"What game ma'am ?" lakas loob na tanong ni Jaime na nagpatawa kay Heaven. Napalunok ulit si Jaime, hindi dahil sa kaba kundi dahil sa ganda ng babaeng tumatawa ngayon sa harap niya. pero panndalian din ang pag kamangha niya dahil nagiba nanaman ang ihip ng hangin nang tignan siya nito ng matalim.

'Scary woman.' He thought.

"What company are you in? Anong position mo?" Tanong ni Heaven na ikinanganga ni Jaime. Sa pagkakaalam niya kakauwi pa lang nito at wala pa masyado alam sa iba pang mga kumpanya. Ni hindi nga siya nag babanggit ng mga pangalan ng other companies pero heto si Heaven, nagtatanong kung saang kumpanya nagtratrabaho si Jaime.

Ex Series #2 [SPG]:Love in Cage (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt