CHAPTER 27-GAME

43 4 0
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

Game

Buon klase akong hindi nagsalita. Halos mapanis na nga iyong laway ko. Habang iyong isa naman ay tahimik lang din pero minsan napapansin ko siyang nakatingin sa akin tapos maya-maya ay matutulog. Hindi na bumalik si Danielle hanggang sa matapos ang klase kaya wala rin kumakausap sa akin kanina.

Lumabas na kaming lahat maliban sa mga cleaners. Hindi naman na kinausap ni ma'am si Drake. Mukhang nakalimutan na. Habang naglalakad, tinatawagan ko si mommy para masundo na ako. But walang has sumasagot.

Tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad dahil alam kong nasa likod ko lang si Drake at sinusundan ako. He knows that i'm avoiding him, ramdam niya iyon kanina pa kaya sinusundan niya ako ngayon para malinawan siya kung bakit. At siyempre, to annoy me.

Naglakad lang ako ng nag lakad hanggang sa mapunta kami sa hindi na mataong lugar. Doon ko na hinarap si Drake. Bumungad sa akin ang seryoso niyang mukha at wala ng mabasang kahit ano sa mga mata nito. But the air suddenly becomes cold. Hindi ko alam kung hangin talaga iyon o ang malamig niya lang na tingin ang nagbibigay sa akin ng nginig sa katawan. Wala mang mabasa sa mga mata niya, ramdam ko naman na hindi na siya natutuwa sa laro ko.

But i will not let him affect me. Hindi ako magpapatalo sa tingin at pakikitungo niyang iyon. Buo na ang desisyon ko at wala na siyang magagawa kundi sundin ang gusto ko.

"Anong laro mo ngayon Athena Heaven? Hindi mo na ako pinapansin at kinakausap kanina, tinatakbuhan mo naman ako ngayon?" He asked dangerously. Mapang-uyam akong tumawa sa harap niya dahilan para tumaas ang kilay niya.

"Laro?" Natatawa kong sabi bago magseryoso ilang segundo lang. "Alam mo naman na iyong laro ko kanina pa, why bother asking me? Ramdam mo na what's my game is kaya huwag mo na ako tanungin." I said with an iritated voice kahit sa loob ko ay nanginginig na ako. "And matagal na natin itong nilalaro Drake. It started four years ago." sabi ko at hindi ko napigilan na mapangiti ng mapait.

"Hinayaan na kita sa laro mo noon Athena. Tinatakasan mo ako tuwing nasa Davao ako. Bakasyon na nga lang ang meron tayo para magkasama pero ano ang ginawa mo? Nag-simula ng larong hindi ko naman gusto. Did you won? Nanalo ka ba sa laro mong iyan?" Drake asked and almost lost his cool. Hindi ako makasagot sa mga tanong niya. Hindi ko siya magawang barahin sa mga sinasabi niya. Parang naputulan ako ng dila bigla.

"Hindi diba? Natalo ka Athena. You lost because you are here. You are here with me. Pero ngayon naman na nadito ka na, mag sisimula ka nanaman ng laro? Are you that childish?!" Pasigaw na natanong niya. With that, natauhan na ako. Nakokonsensya man ako sa mga sinasabi niya, buo na ang desisyon ko. Maybe he's right. I'm childish. Itutuloy ko pa rin ang plano ko o kung laro man ang tawag niya duon.

"Drake. Wala ka ng magagawa. Ituloy na lang natin ang nasimulan ko ngayon. Pretend that you don't know me. Ganon din ang gagawin ko sayo. Let me win this time please. Marami ng nagbago sa akin at hindi mo na ako kilala. Marami rin nagbago sayo at hindi na rin kita kilala gaya ng dati. Understand me Drake. Hindi na natin kailangan ang isa't isa." Malamig na sabi ko sa kanya.

Ayaw ko mang pansinin pero nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya bago siya tumalikod saglit at muling humarap sa akin. "Is that what you really want?" He asked. Lumunok ako ng isang beses para maging buo ang boses ko. "Yes."

tumango tango si Drake bago nag salita. "Okay. Starting tomorrow, wala na akong kilalang Athena Heaven Dy Argente." He finally said. Naglakad siya papalapit sa akin. I Just stand where I am, unable to move because of what he said. Iyon ang gusto ko diba? Bakit nasasaktan ako ngayon?

Tumigil siya sa harap ko ng may ilang centimetro na lang ang pagitan namin sa isa't isa. He raised his hand to hold my chin up with his folded index. Our eyes met. Sa daming emosyon ang nasa mata niya, wala akong mabasa ni isa. Natulala na lang ako ng bigla niyang halikan ang aking noo. Sa hindi malamang dahilan, I closed my eyes to savour that momment.

Ex Series #2 [SPG]:Love in Cage (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora