CHAPTER 41-FLOWERS

40 3 0
                                    

CHAPTER FORTY-ONE

Flowers

"Bakit hindi ka nagsabi na may laban pala kayo kahapon ng taga central?" Makulit na tanong sa akin ni Danielle.

Kakatapos lang namin mag lunch kaya nandito na kami sa kubo.

"Ayaw ipasabi ni coach. Bawal daw muna kasi ang may manonood." Sagot ko. Napasimangot naman si Danielle at hindi na nagsalita..

"Congrats pala girl. Nasabi sa akin ni Erika na ikaw daw iyong bagong captain ball ng team." Nakangiting sabi ni Angela. Narinig naman iyon nila Faye kaya napatigil sila sa ginagawa nila.

"Talaga? Congrats girl!" Masayang bati ni Faye. Pinalakpakan naman ako ni Frances at Angela.

Napatingin ako kay Danielle na masamang nakatingin sa akin. "Bakit hindi mo sinabi sa akin? Kaklase mo ako tapos wala ka mang sinabi."

"Hindi ko naalala sabihin. Busy tayo kanina diba? Sorry na." Dahilan ko at medyo nagpapacute sa kanya para hindi na magtampo. Tinalikuran niya lang naman ako then crossed her arms.

Natatawang sinusundot ko iyong tagiliran niya gaya ng palaging ginagawa sa akin ni Erika tuwing inaasar at nagpapapansin sa akin. Agad naming napatayo at lumayo si Danielle sa akin dahil mukhang malakas ang kiliti niya duon.

"Sorry na. Libre na lang kita mamayang vacant." I said with puppy eyes. Napatigil naman si Danielle sa sinabi ko at napabaling agad ang tingin sa akin. "Promise?" Paninigurado niya. Tumango naman ako ng sunod sunod at itinaas pa ang right hand para maniwala siya.

Dahil duon nabuhayan naman ang lola niyo at kinausap na ako ulit. Parang walang nangyaring tampo at suyuan kanina.

Nang malapit ng mag time, bumalik na kami sa building. After first class naming ngayong hapon, vacant naming. Gaya ng dati. Magkakasama kaming magkaklase na nag punta sa canteen para duon magpalipas ng oras habang iyong iba naman ay nasa library siguro o nasa ibang lugar para magawa ang dapat nilang gawin.

Six seaters ang table na kinuha naming. Magkasama kami nila Danielle, Drake, Prince, Kurt at Alex sa table. Sa kabila naman ay ang iba pa naming classmates.

"Tara Danielle." Yaya ko sa kanya. "Saan?" Takang tanong niya kaya hindi ko napigilan ang pag Ikot ng mata. "Ayaw mong malibre kita?" Mataray na tanong ko sa kanya. Agad naman siyang napatayo ng naalala ang usapan namin kanina.

"Ayy sana all nanlilibre." parinig ni Prince. Natawa naman ako dahil duon. "Sige kayo din. Ano gusto niyo? Ngayon lang to, huwag kayo maingay." Bulong ko para hindi marinig ng kabilang table.

Nagdiwang naman sila maliban kay Drake na alam kong nakatitig lang sa akin. Hindi man nasa kanya ang focus ng mata ko. Nasa kanya naman ang attention ko.

Sinabi nila iyong mga gusto nila pero si Drake hindi pa rin nag sasalita. "Dude ano gusto mo. Naghihinta sila Athena oh." Bulong ni Prince kay Drake.

"Burger na lang. Gaya nung kay Prince." Sagot ni niya. Tumayo naman na kami agad ni Danielle para makabili.

Pagkarating namin duon, Sinabi na namin ang mga order namin. Nasa tray na lahat ng inumin at hinihintay na lang namin ay ang mga burger nila Drake at Prince. Tulala lang akong nakatingin sa patty na niluluto habang si Danielle naman ay nagkwekwento lang ng kung anu-ano.

"Athena." Tawag sa akin ni Danielle kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko siyang may nginuso kung saan kaya napatingin rin ako duon.

I saw Martin. Hawak hawak ang napakalaking boquoet of roses. Agaw pansin iyon dahil sa laki. Napatingin ako sa paligid at nakita kong nasa kanya ang tingin ng lahat. Mabuti na lang wala masyadong tao ngayon sa canteen dahil nakakahiya kung sa akin man niya ibibigay ang hawak niya.

Ex Series #2 [SPG]:Love in Cage (COMPLETED)Where stories live. Discover now