CHAPTER 39- Martin

39 2 0
                                    

CHAPTER THIRTY-NINE

Martin

"JAVON!"

Napatigil kami sa pag kain at napatingin sa entrance kung saan nanggagaling ang sigaw. There, we saw Drake entering and behind him is the girl who shouted his name. Halos maiyak sa galit iyong babaeng iyon habang sinusundan si Drake na papunta ngayon sa table naming. Parang hangin lang sa kanya iyong babae at hindi man lang pinapansin.

"Bakit ka nakikipag-break sa akin? May nagawa ba akong masama? Masaya pa naman tayo kahapon ah. Why? Give me a fucking reason!" Hysterical ng sabi nung babae. Not minding that every one is watching her.

Walang gusto mang bawal sa pag iingay niya dahil gusto nilang mapanood at malaman kung ano ang nangyayari. Wala rin mga teachers sa canteen ngayon. Only the canteen staffs but ayaw rin naman nila mangealam.

"Look Sandya. Parang hindi mo naman kilala iyang si Javon. Bago ka pa lang makipagrelasyon sa kanya, alam mo naman na hindi kayo mag tatagal. You just want to try kung kaya mo ba siya baguhin at hindi ka magaya sa iba niyang babae right? Hindi mo naman talaga siya mahal at ganon rin naman siya sayo. You're just using him and he's just using you too. In bed to be exact." Mahabang sabi ni Frances.

Sandya.

So that's her name. Siya ang pinaglalaruan ngayon ni Drake. Opps, hindi na pala. Nagsawa nanaman agad ang gago. Hindi ko kilala iyong babae. Ang alam ko lang is classmates sila ni Frances at mainit ang dugo niya kay Sandya kaya niya binabara ng ganyan.

Napatingin ako kay Javon na wala pa ring pakialam sa nangyayari sa paligid niya. When his eyes met mine, I rolled my eyes. Naiirita ako sa kanya! Super!

In this past months, sobrang dami niya ng naging babae. Halos hindi ko na mabilang dahil sa dami. Actually wala naman akong paki alam but tuwing nag brebreak sila ng babae niya palaging nagkakaroon ng komosyon dahil sa pagwawala ng mga malalanding babae.

Lagi siyang sinusugod tuwing kumakain kami sa canteen. Palagi akong naiistorbo sa pagkain ko. Palagi akong naiirita!

"That's not true! Alam kong mahal niya ako!" Sigaw ulit ni Sandya. Gustong paniwalain kami na mahal talaga siya ni Drake but for me, it sounds na sarili niya ang pinipilit niyang maniwala.

"Really? Kung mahal ka niya, bakit siya nakipag break?" Frances asked with bitchy tone. Palihim na lang akong napangisi dahil sa tanong ni Frances. What a bitch!

Hindi na kasagot si Sandya sa tanong sa kanya. Napasigaw na lang siya sa inis na halos ikabingi ko dahil ako ang pinakamalapit sa kanya. Gusto ko siyang sabunutan dahil sa kaingayan niya. Nakakairita siya. Nakakairita silang lahat ng mga babae ng gagong iyon.

Dahil sa inis at pagkapahiya, padabog siyang umalis sa canteen. Bumalik naman na lahat sa pag kain nila dahil tapos na ang drama.

"Dude, pang siyam mo na si Sandya. Kailan ka ba titigil? Kami ang nagsasawa tuwing may ganitong nangyayari." Umiiling na sabi ni Dielsen.

"Kapag natalo ko na iyong kalaro ko." Makahulugang sagot ni Drake. Alam kong hindi nila na gets iyon. Dumapo ang tingin sa akin ni Drake at nginisian pagkatapos. Hindi ko magawang makapagreact dahil sa sinabi niya.

"Anong laro ba kasi iyan? Dati pa naming naririnig iyan sayo pero hindi mo naman sinasabi. Ayaw mo bang isali kami?" Tanong ni Aethan. Ipinagpatuloy ko na ang pag kain ko. Ganon rin naman sila Faye. Wala ng balak makinig sa pinag uusapan ng mga lalaki.

"Bawal niyo malaman eh. Kami lang dalawa dapat ang nakakaalam. Baka magalit siya kung sinabi ko sa  inyo." Naka ngising sagot ni Drake. Kung umasta akala mo walang Sandya na sumugod sa kanya kanina.

Ex Series #2 [SPG]:Love in Cage (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang