CHAPTER 60-GOALS

36 3 0
                                    

CHAPTER SIXTY

Goals

Pumatak ang alas singko ng hapon at tapos na ang lahat ng laban. Naka linya na kaming mga players sa gitna ng feild habang nakaharap sa mga audience na nakaupo.

Pinaalis na ang mga gamit namin duon at pinabalik na sa sarisarili naming bus para may maupuan daw sila.

It's awarding and closing ceremony ng sports feat this year. Tapos na ang isang linggong labanan at ngayon na maaawardan ang mga nanalo.

Sobrang nag enjoy ako sa sports fest na ito. Ang dami ko ring natutunan aral habang naglalaro.

They awarded first the fourth place of every sports. Isa isang umakyat ang bawat team na nanalo habang tinatawag ang pangalan ng school at sports nila.

"SGI sepak takraw boys!"

Pumalakpak at naghiyawan kami ng narinig namin ang pangalan ng school. Umakyat sila Erine sa may ginawang stage at tinanggap ang medal nila kasama ang trophy.

Ilang beses pa tinawag ang pangalan ng school namin bilang third place and second place. Siguradong masaya ang admin namin dahil sa dami ng naipanalo namin.

"And for the first place! Our champions! Unahin muna natin ang school na may pinakamadaming champion..." pambibitin pa ng emcee.

"SGI! School of Grace Incorporated!" Sobrang lakas ang sigaw at palakpak na ginawa namin. We are all proud of what we gained in this meet.

"Champions in Table tennis boys and girls singles and double, Badminton girls, Badminton  mix doubles, Lawntennis boys, 100m spring, 400m sprint girls and boys, hurdles 400m boys, relay 4x400, high jump boys, long jump boys, swimming freestyle 400m girls, football boys, volleyball girls and lastly basketball boys! Grabe na pagod ako duon!" Tawag ng emcee sa bawat nanalaong team.

Malaki ang ngiti naming umakyat lahat sa stage. Hindi muna nagtawag ng iba pang nanalo ang emcee. Hinintay niya munang matapos kaming masabitan lahat ng medal at maibigay ang trophy sa amin.

Sa akin ibinigay ang trophy pero ibinigay ko iyon kay coach dahil karapatdapat na siya ang maghawak non.

Napatingin ako sa mga taga FTI na nakangiting pumapalakpak para sa amin.

Gosh. Grabe ang init ng laban kanina wala talagang gustong magpatalo pero dahil sa pagod bumaba ang depensa nila at nakikita ko kung saan ang mga butas.

Nang nag substitute pa sila ng ibang players dahil pagod na, mas humina pa ang depensa nila. Pati opensa humina na rin.

When the game ended. 5sets. Nabigyan ako ng chance para makausap iyong captain ball nila. That's inside the comfort room. Mag isa lang akong nag punta roon at naabutan ko siyang umiiyak magisa.

Ganyan naman ang mga captain. They will not cry infront of her teammates.

I comforted her. Doon niya sinabi na naging pabaya daw sila ngayon taon. Kung ano daw ang kaya nila noon, ayon pa rin daw ang ginawa nila. Hindi sila masyado nagseryoso sa practice because they know na sila pa rin daw ang mananalo.

They also heard na nawalan na daw ng captain and magagaling na players ang school namin so they took us for granted.

They thought mahina na kami kaya nagulat sila play namin nung pinapanood nila kaming maglaro.

Kahit na nagpabaya sila sa trainings. At least ginawa naman nila ang best nila sa laban hanggang sa makaabot pa kami ng fifth set. Magaling pa rin sila kahit hindi seryoso sa trainings. Paano pa kaya pag nagtraining sila?

Ex Series #2 [SPG]:Love in Cage (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang