CHAPTER 34 - PLAN

39 3 0
                                    

CHAPTER THIRTY-FOUR

Plan

It looks like the world stopped after I shouted. Napatigil silang lahat at napatingin sa akin. Kahit si coach na hihipan na dapat ang kanyang pito ay napatigil at gulat na napatingin sa akin.

Pwede naman mag time out diba?

Napa ubo ng dalawang beses si coach bago siya tumango at pumayag sa time out na hiningi ko.

"2 minutes." Sabi ni coach dahilan para matauhan ang lahat.

"Come here. May sasabihin ako." Seryosong tawag ko sa mga kateam ko. Nag aalangan at kinakabahan naman sila lumapit sa akin. Ang bagal pa ng mga galaw. Two minutes lang ang binigay samin! My gosh!

"Girls bilisan niyo! Mauubusan na tayo ng oras." Sigaw ni Erika. Nagulat naman sila at agad napatakbo sa akin at pinalibutan ako.

"Girls huwag tayo mag kahiyaan sa isat isa. May nakalimutan kayong sabihin tuwing nag rereceive. Sa bilang natin ngayon kailangan natin sabihin iyon. Say 'MINE' please! Kung alam mong sayo, angkinin mo! Huwag tayo tumunganga at hayaang lumapag ang bola. At sa iba naman, makiramdam kayo sa paligid niyo. Kung alam niyong hindi naman para sa inyo ang bola or kaya naman kunin iyon ng team mates niyo, hayaan niyo na sila. Huwag na kayo poporma para magkalituhan kayong dalawa kung sino ba talaga ang kukuha! Iyon lang naman ang kailangan natin sa larong ito ngayon eh. Mag usap tayo habang nag lalaro! Hindi iyong ang tahimik natin sa loobng court. Mag salita tayo! 'Mine' or 'sayo na' para malaman natin kung sino ang dapat kumuha!" Halos pasigaw ko na sabi dahil sa inis na nararamdaman ko.

Huminga ako ng malalim para kumalma bago ako nag salita. "Naiintindihan na ba natin?" Kalmadong tanong ko sa kanila.

Iyong iba ay sumagot naman ng oo, habang iyong iba ay tumango lang.

"Maghiwahiwalay tayong lahat at bantayan niyo ang area niyo. Mag usap kayo ng mga katabi niyo kung simo ang dapat tumira. Okay?"

"Okay!"

Napatingin kami kami kay Erika na itinaas ang kamay ko. "Fight?" Tanong niya habang nakangiti saamin. Nag silapitan naman ang mga kateam ko at hinawakan din ang kamay namin na nakataas ngayon.

"FIGHT!" Malakas na sigaw nila dahilan para mapangiti ako.

When coach blew his whistle, we went to our positions. Mag kakahiwalay na kaming lahat at seryosong nag aabang sa serve ng kalaban.

Napatingin ako kay Erika ng bigla niya akong sundutin sa tagiliran. Nakatingin siya saakin ngayon ng may malaking ngiti. "Nice one." Sabi niya sa akin. Nginitian ko rin naman siya pabalik at kinindatan.

Pagkapito ulit ni coach, nag serve na ang kalaban. Pataas ang kanyang serve na papunta na ngayon sa likod. Kung kanina ay nag kakahiyaan at lituhan kung sino ang titira ang mga kateam ko, ngayon ay kalmado na sila at nag uusap kung sino ang mag rereceive ng bola.

"Mine!" Sigaw ng old player kaya hindi na nagtangkanoang gumalaw ang mga nakapaligid sa kanya.

Pag ka receive niya, itinaas niya ang bola at ipinunta sa may gitna na malapit sa net kung nasaan ako. Tinignan ko ang player na matangkad na nakalaban ko kahapon na nasa dulo ng net. Kinausap ko siya gamit ang aking mata na sa kanya ko ipupunta ang bola. Kaya hinanda niya ang kanyang sarili.

Pagkarating sa akin ng bola, Sinet ko iyon papunta sa kanya na maganda niya namang naipalo.

Dahil doon nag ingay ang mga kateam ko. They celebrated our point kahit na sampu pa ang lamang ng kalaban sa amin. Nagcheer rin naman ang mga nonood na pinangungunahan syempre ni Danielle.

Ex Series #2 [SPG]:Love in Cage (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt