CHAPTER 40- CAPTAIN

44 2 0
                                    

CHAPTER FORTY

Captain

Hindi naging madali ang laban. Magagaling ang kabilang team at agad na nakakabawi tuwing nakakapuntos kami. Nahihirapan rin kami dahil hindi pa kami gaano sanay sa laro ng isa't isa.

Wala pa kaming napractice na technique at combo sa laro. Ang tanging nagagawa lang naming ay dumepensa, mag block at mag spike lang ng bola.

"Marga. Abangan mo sa labas iyong bola kapag papalo si Erika. Duon nila pinupunta iyong bola tuwing nagblablock sila." Utos ko. Kung tutuusin mag kakatotoo ata ang sinasabi ni Erika na ako daw ang magiging captain ball. Ako lang kasi ang nagbibigay sakanila ng instruction at nakikinig naman sila sa akin.

Ayaw ko sanang maging captain ball pero nakikita kong wala naming ibang maasahan sa team. Mas bata silang lahat sa akin. Nalaman ko lang nung isang araw na mas matanda pa pala ako kay Erika at Amanda na kagrade level ko.

Nasa fifth set na kami ngayon at dikit na dikit ang score. Kahit papaano nasasabayan naman naming sila kahit na bihasa na sila sa mga atake nila.

In the end natalo kami. 17-15 ang score. May ginamit silang bagong combination kaya hindi naming inaasahan iyon.

Ayos lang naman sa akin na natalo kami. Ginawa naman namin ang makakaya namin at alam namin sa sarili na hindi pa kami masyadong handa.

"Girls magpaalam na kayo sa kanila." Sabi ni coach. Nag paalam kaming lahat at nagpasalamat.

"Bwisit na Cheskang iyon. Ang yabang." Rinig kong bulong ni Sofia pagkalabas ng mga players ng Central High School.

"Kaya nga. Akala mo naman nakapaglaro kanina." Sang ayon ni Jam.

Nagtuloy lang sila sa pag uusap dahil sa inis sa player na si Cheska. Natigil lang iyon ng tawagin na kami ni coach at pinaupo sa floor.

"Girls, sabi ko nga kanina. Okay lang na matalo kayo sa game na ito. You did your best at hindi naman kayo talunan kanina diba? Pinahirapan niyo muna sila bago Manalo. It's fine. Bawi na lang kayo next next week. Mag kakaroon ulit kayo ng practice game. At bago iyon, I'll make sure na maayos na ang play niyo. Mag prapractice tayong mabuti these following weeks. So, palakpakan niyo muna ang sarili niyo." sabi ni coach.

We clapped our hands and stopped when coach raised his hand. "I have these small papers. Bibigyan ko kayo ng isang sheet. Sa isang team, kailangan ng leader. Ang nangyari kanina. Naglaro kayo ng walang leader right? Actually, hindi dapat ako ang referee kanina. But naging ako because I took that as an opportunity to see who's the rightful leader. Alam kong nakita niyo rin naman kung sino iyon but to make sure, ibibigay ko sa inyo itong papel para isulat kung sino ang gusto niyong maging captain ball ng team na ito."

"Pag kakuha niyo ng papel, pwede na kayong pumunta kung nasaan ang bag niyo para kumuha ng panulat. Babantayan ko kayo habang nag susulat. Pag may nakita akong pinapakita niyo ang sinulat niyo sa papel na iyan, madadagdagan ng sampung laps ang parusa niyo."

Pag eexplain at panakot ni coach sa amin. Nag distribute na si coach ng papel. Agad akong tumayo at nagpunta sa upuan kung nasaan ang bag ko. Tahimik kaming lahat at walang nag sasalita dahil baka mapagkamalang kaming nag uusap kung sino ang ilalagay namin.

Sobrang dami na iyong 20 laps. Ayaw na naming madagdagan pa. Kahit si Erika na katabi ko lang, hindi ako kinakausap.

Sino ilalagay ko?

Sarili ko? No. Parang nayayabangan ako sa sarili ko kung ako mismo ang magsusulat ng pangalan ko.

Erika? Hindi rin. Sinabi niya akong ayaw niya daw maging captain. Mabigat daw sa responsibilidad.

Ex Series #2 [SPG]:Love in Cage (COMPLETED)Where stories live. Discover now