CHAPTER 18-EX

56 5 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

Ex
Pag karating sa opisina ni Heaven, nadatnan niya ang nakatambak na dapat niyang pirmahan sa kanyang mesa. Simula nanaman ang panibagong laban niya sa trabaho. Sa mga may nagsasabi na kapag ikaw ang may ari ng kumpanya, wala ka ng gagawin masyado dahil may mga tao ka naman na binabayaran. Mali. Bakit ngarod marami pa rin siyang ginagawa kung ganon?

Pagkatapos ng meeting, she took her lunch then work again. "Is that my last meeting?" Tanong ni Heaven kay Laila habang naglalakad na pabalik sa kanyang office. "Yes miss."

Pagkarating niya sa kanyang opisina. Pumasok na siya agad sa kanyang kwarto at nahiga duon. Pagod na naman siya. Ang sakit nanaman ng paa niya.

I should wear flats from now on.

Habang pinapahinga ni Heaven ang kanyang katawan, kinuha niya muna ang kanyang phone at binuksan ang account niya sa facebook. Matagal tagal na rin niyang hindi nagamit iyon dahil sa dami niyang ginagawa. Nag browse lang muna siya sa kanyang news feed.

Hindi maiwasang matawa ni Heaven sa mga memes at video clips na nanduon. Witty.

Nang nag-sawa siya sa fb dahil puro tiktok na ang mga napapanood niya duon. Nagsasawa na siya sa mga paulit ulit na mga tugtog at dance steps. She decided to open her account on messenger. Pagkabukas niya duon, punong puno ang kanyang inbox.

At ang nangunguna duon ay ang group chat nila sa kanilang alumni. She didn't bother to open it. Ayaw niyang magseen at makitang online siya ng kanyang mga batchmate dati. Paniguradong iintrigahin lang siya ng mga ito.

She browsed her inbox. Nakita niya ang group chat nilang mag kakaibigan dati. Her old friends during senior high. Hindi na active ang gc na iyon, so she opened it. Ngayon na lang siya mag chachat sa gc nila after long years.

But kahit na hindi siya nagchachat, she knew na kaibigan pa rin naman ang turing nila sa kanya. Hindi mababaw at makitid ang utak ng mga kaibigan niya. They understand her.

Nabasa ni Heaven na pinaguusapan ng mga kaibigan niya kung pupunta ang mga ito. They all answered yes. Sino ang hindi gustong pumunta? It's their chance to see each other again after many years. Naging busy na rin ang mga ito panigurado dahil may sarisarili na silang mga trabaho and maybe pamilya na rin kung may mga asawa na sila.

Except her. Ayaw niya talaga mag punta. She regretting na umoo siya kanina kay Drake. Masyado niya kasi inisip ang sasabihin ng ibang tao kanina. But now na nakapag isip isip na siya? Ayaw na niya. Pero naka oo na kasi siya sa lalaki kaya wala na siyang magagawa.

Paniguradong kukulitin lang si ni Drake hanggang sa pumayag siya ulit or magtatampo ang lalaki dahil naka oo na siya pero babawiin niya pa.

Heaven:

See you guys! I miss ang love you! muah!

Chat niya at nag offline na agad para hindi siya matawagan ng mga ito. Okay na siguro iyon. Tinatamad siyang mag reply kung tatanongin lang siya ng mga ito.

Years ago, nag kita naman si Heaven at ang mga kaibigan niya. Hindi nga lang inaasahan. Noong 3rd year college sa China, nag kita sila ni Frances. Pasko noon at nagkasalubong sila sa isang restaurant sa Macau. Nag kamustahan sila at nag kausap ng mga ilang oras bago sila nag paalam sa isat isa dahil kailangan ng umalis ni Frances.

Si Angela naman, nag kita sila after graduation ni Heaven sa airport ng New York. Nalaman niyang isang photographer si Angela at may training siyang dadaluhan kaya nasa NY siya.

Si Faye naman, Heaven saw her at a plane. Isa ng flight attendant. Walang available na private plane nila during that time kaya kailangan ni Heaven sumakay sa pang public papunta sa Japan because of meeting but syempre as a VIP. Si Faye ang nag assist sa kanya at hindi nila inaasahan na dalawa iyon. Mabilisan lang namann sila nakapag usap na dalawa dahil busy ito at malapit na rin silang mag land.

Ex Series #2 [SPG]:Love in Cage (COMPLETED)Where stories live. Discover now