CHAPTER 61- OFFICIAL

35 3 0
                                    

CHAPTER SIXTY-ONE

Official

It's already Monday. Ang bilis ng week ends. Natulog lang ako halos buong sabado at linggo. Resting my body from five days sports fest.

We had our flag ceremony inside the main gym. After that, inawardan ulit kaming mga players. Grabe ang papuring sinabi sa amin ni ma'am dahil sa dami naming nakuhang place.

Because of that, ang school namin ang overall champion sa buong sports fest ngayon taon. And reward daw para sa amin duon is magpapakain ang school sa feista ng town namin.

Binigyan rin kami ni coach ng dalawang linggong pahinga. Then after that magtretraining na kami ulit para sa provincial meet.

Naging busy rin ako this week because natambakan ako ng projects and assignments. Hindi lang pala ako, si Drake rin at ang iba pang mga players.

May mga special quiz din kaming tinake. Buti na lang nakapagbasabasa naman ako kahit papaano.

Weeks have past at lumuwag lang ang schedule ko ng matapos na ang exams at sembreak rin dahil malapit na ang Undas.

Magkatawag kami ngayon ni Drake habang nasa terrace ako ng kwarto ko para magpahangin.

"Kailan mo ako lulutuan ng cinnamon rolls? Hindi na tayo busy niyan. Maluwag na oras mo para lutuan ako." Sabi ni Drake sa kabilang linya tapos bigla siyang umubo.

"Inuubo ka. May sakit ka ba?" Kunot noong tanong ko. He coughed again. "May sinat lang. lumalamig na kasi. Hindi pa sanay iyong katawan ko." He answered.

Malapit na magpasko kaya lumalamig na nga.

"You sleep na. Para makapagpahinga ka na." I suggested. "May I?" Tanong niya. Asking for permission.

Napirap naman ako dahil doon. "Inutusan nga kita diba? Tapos mag tatanong ka pa dyan kung pwede?" Mataray kong sabi na tinawanan niya lang naman ng mahina. I already heard the sounds of his bed. Looks like humiga na siya.

"Don't end the call Athena. Mamaya kapag sigurado ka ng tulog na ako."

"Okay."

I stayed outside. Looking at the sky full of stars. Mayamaya narinig ko na ang malalim na paghinga ni Drake but I still didn't end the call.

I continued to listen until I got sleepy. So pumasok na ako sa loob at nahiga na rin. Hinila na agad ako ng antok hanggang sa hindi ko na napatay ang tawag.

Walang pasok kaya late na ako gumising. Agad kong hinanap ang phone ko na nakalimutan kong patayin kagabi. When I saw it, chinarge ko na agad kasi lowbatt. I did my morning routine then bumaba na para makapag agahan.

Habang kumakain ako, napatingin ako sa tinapay na nasa pinggan ko. Naalala ko iyong cinnamon rolls na pinapaluto ni Drake.

Okay. I'll cook it na. Maybe after ko kumain nito para maibigay ko na agad sa kanya after lunch. Papahatid na lang ako kay manong. Pag bigyan na natin ang may sakit. Baka bigla siyang gumaling kapag naka kain na ulit nito.

I went to my room to get my spare phone. Duon ako nag log in para mag update kay Drake na gising na ako. I will not tell him na pupuntahan ko siya duon sa bahay nila. I want to surprise him. Siguradong nandoon naman siya diba? Hindi naman siya aalis kasi may sakit siya.

Gaya ng plano ko, I baked it again after long years of not cooking. Alam ko pa rin naman kahit papano iyong ginagawa ko kahit matagal na akong hindi nakapagluto. I remember it clearly.

I let the dough to rest for 30 minutes. Nagreply ako sa chat ni Drake but hindi na siya nakapagreply sa akin. Baka tulog na naman. When I'm already done, umakyat na ako sa kwarto para makapagpahinga kahit saglit.

Ex Series #2 [SPG]:Love in Cage (COMPLETED)Where stories live. Discover now