CHAPTER 1

393 14 1
                                    

Waiting

"Sir, malapit na raw po si kuya Eman, na traffic lang daw po siya sa EDSA kaya natagalan." sambit ko habang naghihintay kami sa labas ng Museum.

Masama ang tingin niya sa kawalan sabay hawak sa sintido niya, "So what are you trying to say? That I need to wait him before we arrive?" he yelled and stomped his feet on the floor.

"Yes po, kuya Eman is only available to drive us today. Maaga pa naman din po, hintay na lang tayo saglit. Malapit na naman po raw siya," I gulped, trying to avoid the nervous feeling that covered me.

Si kuya Eman kasi ang tinawagan ko dahil siya lang ang available na makakapag drive sa amin ngayon. Malay ko bang traffic sa EDSA kaya matatagalan si kuya Eman.

"Pero kung nagmamadali po talaga kayo pwedi naman po tayo mag Taxi kaso kailangan natin maglakad palabas dito sa Meseum kaya lang gusto mo bang maglakad tayo? Medyo, malayo layo pa naman dito ang gate ng Museum." I suggested pero mas lalo akong nakaramdam ng takot dahil lumalim ang galit sa tingin niya at napahilamos ng mukha.

"Are you making fun of me?" he raised his brows and hastily grabbed my arms towards him. Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa kay mas lalo akong natatakot sa mga titig niya.

"I'm not Sir. I'm sorry, nag suggest lang naman po ako kung—" hindi ko na natuloy ang sinabi ko kasi may kotse na dumating. Sabay kaming napatingin kay kuya Eman na ngayon ay nagmamadaling lumapit kay Sir Aldrich.

"Sir, sorry po talaga at natagalan ako. May nangyaring banggaan po kasi sa EDSA kaya may traffic," bakas ang takot sa boses ni kuya Eman at nakayuko ito habang nagpapaliwanag.

Pabagsak akong binitawan ni Sir Aldrich kaya muntik na akong matumba. Hingal na hingal ako dahil sa takot ko kanina.

"Don't be late again or else i'll fired you," banta niya kay kuya Eman at dumiretso ng maglakad patungo sa kung saan naka park ang kotse. Hinabol naman namin siya ni kuya Eman at pinagbuksan niya si Sir Aldrich ng pintoan sa kotse.

Sumakay na rin ako sa harap katabi ng driver seat. Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang makita ko si kuya Eman na namumula ang mga mata mukhang may namumuong luha sa mga mata niya.

Tinapik ko siya sa balikat at nginitian. Tumango naman siya sa'kin bilang tugon.

Naalala ko ang papa ko kay kuya Eman. Kung sakaling si papa pa rin ang isa sa personal driver nila. Hindi ko papalampasin kung tatratohin niya si papa ng ganito. Hindi ko alam kung bakit gan'yan ang ugali ni Sir Aldrich parang inilihi sa sama ng loob. Mukhang hindi ko matatagalan ang ugali n'yang 'yan at baka hindi ako aabot ng isang taon ay mag reresigne na ako 'pag pinagpatuloy niya pa.

Patungo kami ngayon sa isang restaurant kung saan may lunch meeting sila ng family niya. Sabi ni Madam Retchel sa'kin ay 12:30pm magsisimula ang meeting pero 11:53am pa naman.

Nabalot kami ng katahimikan sa byahe at panay tanaw lang ako sa labas ng bintana dito sa gilid ko.

Sa bawat minuto at oras na kasama ko si Sir Aldrich, pakiramdam ko'y isa siyang multo na nakakatakot at manlalamig ka sa tuwing siya'y magsasalita.

Sumulyap ako saglit sa maliit na salamin sa harap para tignan siya sa likod at hindi na ako nagulat kung nakakonot ang kaniyang noo habang nagbabasa ng libro. Napaka seryoso niya sa lahat ng bagay pero parang wala siyang pagmamahal.

Nang maka park na kami malapit sa resto ay dali daling bumaba si kuya Eman para pagbuksan ng pinto ang aming amo. Ako naman ay nagkusa nang bumaba at sumunod kay Sir Aldrich na ngayon ay nagmamadaling naglakad papasok sa loob.

"Hintayin niyo na lang po kami kuya Eman," sigaw ko dahil medyo malayo na ako sa kan'ya. Kumaway naman siya sa'kin bilang tugon.

Pero bago kami makarating ni Sir Aldrich sa specific table kung saan sila maglulunch ay pinahawak niya sa'kin ang librong binabasa niya kanina.

The Lost Memory (Completed)Where stories live. Discover now