CHAPTER 7

251 7 0
                                    

El Nido, Palawan

"Hello Miss, what's your available promo?" tanong ni Sir Aldrich sa isang medyo maliit na babae. Nanlaki ang mata nito habang nakatingin kay Sir Aldrich, kulang na lang ay luluwa ang mga mata niya dahil sa kakatitig at hindi ito pumipiyok na parang mangha mangha sa kaniyang nakita.

Kung titignan mo naman kasi Sir Aldrich ay mukhang isang American guy ang kaniyang itsura dahil parang gatas ang kulay ng balat nito at napaka ganda ng mga mata kaya minsan ay hirap akong titigan ito dahil parang inaakit ako.

Pakiramdam ko'y naaakit ang babae sa itsura ni Sir Aldrich at parang gusto nitong magwala sa kilig.

"Hey Miss? I'm asking you," puna ni Sir Aldrich dahil dalawang minuto na ay hindi pa rin siya sinagot ng babae sa kaniyang tanong.

Samantalang nanonood lang ako sa kanila at hinihintay ko ring sumagot ang babae.

Bumalik lang siya sa kaniyang katinoan nang dumating ang kasama niya na medyo matangkad at siniko siya nito. Nagulat pa ito at hiyang hiya sa ginawa niya.

"Nabuang man ka day," wika nang babaeng sumiko sa kaniya. Kahit hindi ko naintindihan ang sinabi ng kasama niya ay natawa ako kasi napakamot siya sa kaniyang ulo at parang hindi na alam ang kaniyang gagawin.

"Gwapo kaayo day," bulong niya bago tumingin ulit kay Sir Aldrich. She bowed her head and smile widely.

Sumulyap ako kay Sir Aldrich na ngayon ay sobrang seryoso na ang mukha.

Nang mapansin 'nong medyo matangkad na babae ang seryosong mukha ni Sir Aldrich ay siya na ang nagsalita sa amin.

"Good afternoon Sir and welcome to our resort. Ako na po ang humihingi ng pasensya sa inakto ng aking kasamahan. Thank you for coming El Nido, Palawan and chose this place to visit." nakangiti niyang sambit at tumango naman si Sir Aldrich sa kaniya pero hindi nagbago ang seryosong ekspresyon nito.

"We have promos Sir from Package 1, 2, 3, 4 and 5." puna niya at pinakita sa amin ang mga packages.

Lumapit ako para tignan din ang mga promos nila pero ilang segundo lang ako nakatingin ay may napili na si Sir Aldrich.

Tinuro niya ang package 5 at dahil kuryos ako ay binasa ko ang laman nito.

Package 5 : 4D3N PPS City Tour + El Nido Tour A + El Nido Tour C.

"I'll chose this one," aniya sa babae habang nakaturo pa rin sa Package 5.

"Okay Sir, how many persons po?"

"Only two for us," sagot ni Aldrich sabay tingin sa'kin at hinila ang braso ko papalapit sa kaniya. Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi na ako nagpumiglas pa sa pagkakahawak niya sa braso ko. Tinignan ko ang maliit na babae kanina at naging malungkot ang mukha nito.

Hiningi nila ang pangalan namin at may pinasagotan ng konting mga tanong sabay pirma. Hinatid rin kami 'nong isang staff nila sa magiging room namin ni Sir Aldrich.

In the package 5, you will pay P6,549/head - 2 persons in 1 room.

Tama lang ring 4 days and 3 nights ang kinuha ni Sir Aldrich dahil apat na araw na lang kami mananatili rito sa Cebu.

Bago rin pala kami pumunta rito sa palawan ay dumaan muna kami kanina sa SM para bumili ng mga gamit na kakailanganin. Nawala lang ang inis ko kaninang umaga kay Sir Aldrich nang binilhan niya ako ng ice-cream.

Flashback

"A-anong be m-my girl ka d'yan? Bumalik ka na nga po roon sa hotel Sir Aldrich at magpapahangin lang po ako rito." nag iwas ako ng tingin sa kaniya dahil naiilang ako.

The Lost Memory (Completed)Where stories live. Discover now