CHAPTER 16

200 9 0
                                    

Complicated

"Dito na lang siguro ako Ben. Salamat sa paghatid sa akin," saad ko nang huminto na ang tricycle sa tapat ng kanto malapit sa bahay namin.

"Sigurado ka?" paninigurado niyang tanong. Tumango ako at tinulak siya ng mahina pabalik sa loob ng tricycle. Nakakahiya kasing tignan na naghihintay si kuya driver.

"Oo, hindi rin kita pweding dalhin sa bahay ngayon kaya sa susunod na lang. Umuwi ka na lang muna sa apartment mo at maraming salamat sa oras mo para ihatid ako," wika ko at tipid na ngumiti.

Binaling ko ang tingin kay kuya driver at kumuha rin ako ng pera sa bulsa ko, "Kuya, eto po pamasahe ko. Pasensya na po sa abala," puna ko sabay bigay ng bente pesos kay kuya.

Mahigpit na hinawakan ni Ben ang kamay ko nang inilahad ko ang bente pesos, "Ako na," giit niya at masama ang tingin sa akin.

"Hindi na, ako na. May pera naman ako e at hindi mo ako obligasyon. Mas kailangan mong magtipid kaya huwag mo na akong aalahanin at ililibre okay?" matapos ko iyong sabihin ay hindi ko na siya hinayaan pang magsalita. Nang tanggapin na ni kuya ang pamasahe ko ay agad na akong tumalikod para dumiretso na sa bahay. Narinig ko pang tinawag ako ni Ben pero hindi na ako lumingon.

I owe Ben for being such a good person to me but I need to be truthful with my actions because I don't want him to get hurt. Maaring nasasaktan ko siya ngayon sa pakikitungo ko pero ayaw kong magsisi ako sa huli at mas masaktan ko siya ng todo kapag pinaasa ko siya. Ayaw kong sakyan lahat ng mga ginagawa niya sa'kin dahil ayaw kong umasa siya ng sobra at kapag nag desisyon ako sa huli ay masasaktan ko siya.

Not because he loves you, you also need to love him back. Sometimes, you should make a decision that good for the both of you. But If you love him too, grab it and take a risk.

"Magandang umaga Iha, medyo natagalan ka ngayon ah, pero sakto lang naman ang dating mo. Nga pala, may lalaking dumating kanina." bungad sa'kin ni manang nang makarating na ako sa loob ng mansion. Sakto lang pala ang dating ko? Nababahala nga ako kanina kasi hindi ako nagising ng maaga kaya late akong pumasok ngayong araw.

"Lalaki po? Sino po? Kilala niyo po ba?" sunod sunod kong tanong. Sa kusina kasi ako dumaan kaya hindi ko nakita kung sino ang mga nasa living room.

"Hindi pero ngayon ko nga lang 'yon nakita. Mukhang mag a-apply ng trabaho," sagot sa'kin ni manang at nagtungo na sa lababo para maghugas ng pinagkainan.

Biglang pumasok sa isip ko si Ben hanggang sa narinig ko ang pabulong na sigaw ni Mia papalapit sa akin. Nagmamadali ito at parang sabik na sabik na makita ako. Bakas ang saya at matamis na ngiti sa mukha at labi niya, namumula rin ang mga pisnge nito.

"O? Bakit ganiyan ang itsura mo?" nagtataka kong tanong. Hindi niya muna ako sinagot pero bigla siyang kumapit sa braso ko at sumandal sa balikat ko. Kapag nakikita mo si Mia ngayon ay parang baliw itong nakangiti.

"K-kasi may dumating na lalaki kanina at hindi ko akalain na ang lalaking dumating ay 'yong naghahanap sayo n'ong isang araw. Akala ko ay hindi ko na masisilayan ang itsura niya kaya laking pasalamat kong makita siya muli." sambit nito na ikinatahimik ko.

Ibig sabihin ay nandito nga si Ben. Si Ben ang tinutukoy ni manang na dumating kanina para mag apply ng trabaho. Seryoso pala talaga siya sa sinabi niya sa aking magtatrabaho siya dito.

"Hoy! Bakit tulala ka r'yan at napatahimik?" bumalik lang ako sa reyalidad nang magsalita muli si Mia.

Umiling ako at napangiti ng hilaw, "Sorry, may biglang pumasok lang sa isip ko. Pero may alam ka ba kung bakit siya naparito? Sabi kasi ni manang sa'kin na mukhang mag a-apply daw siya ng trabaho? Totoo ba?" kuryos kong tanong habang pinipilit kong maging maayos sa harap ni Mia. Sa tuwing nababanggit kasi ang pangalan nilang dalawa, si Ben at si Sir Aldrich ay nawawala ako sa focus at maraming pumapasok na kung ano ano sa isip ko.

The Lost Memory (Completed)Where stories live. Discover now