CHAPTER 30

240 6 0
                                    

Paris

After that day, I thank God for all the blessings happened to me. I also prayed Benjie's soul and his happiness wherever he is now.

Masaya ako dahil unti unti ng naayos ang lahat pero sa tuwing naalala ko si Benjie, pakiramdam ko ay almost complete lang ang buhay ko dahil wala na siya.

I'm so glad because my family is always there for me, cheering me up and say that everything will be okay.

Sinabi ko na rin sa pamilya ko na kami na ni Aldrich at humingi ako ng tawad dahil hindi ko sinabi sa kanila agad pero naiintidihan naman nila ako dahil sa daming nangyari na hindi namin inaasahan. Sasabihin ko rin naman dapat agad 'yon pero naging komplikado lang ang lahat kaya't nawala sa isip ko.

"Masaya ako para sayo anak. Salamat sa Diyos dahil hindi ka niya pinabayaan at  nakita na ulit kitang ngumiti ng ganiyan." natutuwang wika ni mama.

Sinamahan ko si mama dito sa kusina magluto ng breakfast namin. Medyo maaga pa kaya tulog pa sina Kirstine at papa.

"Oo nga ma, malaki ang pasasalamat ko sa Panginoon dahil hindi niya ako pinabayaan sa pagsubok na dumating sa buhay ko. Alam kong hindi niya rin pababayaan si papa," tugon ko.

Natutuwa akong makita si papa na unti unti ng gumagaling sa sakit niya. Konting tiis na lang ay tuloyan na itong gagaling lalo pa't ginagawa rin ni papa ang lahat para gumaling siya. Palagi niyang sinusunod ang payo ng Doctor at kasama na ang pagdadasal sa Diyos.

Pagkatapos naming maghanda ni mama ng aming makakain ay ginising ko na si Kirstine at sunod kong pinuntahan si papa para gisingin din ito.

"Papa, gising na. Kain na po tayo," malambing kong wika habang ginigising si papa.

Natuwa naman ito nang makita niya ako.

"Akala ko'y hindi na kita makakasama ngayong araw. Nanaginip kasi ako kagabi na ikinasal na kayo ni Aldrich kaya tumira ka na sa iisang bahay kasama siya," sambit ni papa at naging malungkot ang itsura nito nang banggitin niyang hindi na nila ako makakasama.

"Huwag po kayong mag-alala dahil kapag darating ang araw na 'yon, sisiguradohin ko namang makakasama niyo pa rin ako kasi dadalaw naman ako dito araw-araw at huwag niyo po munang isipin 'yan papa kasi hindi pa naman po ako ikakasal." nakangiti kong tugon at yumakap kay papa ng sobrang higpit.

"Mahal na mahal ko po kayo nina mama at Kirstine. Iisang pamilya po tayo kaya magkakasama pa rin tayo hanggang sa pagtanda, hindi po ako mawawala sa inyo." dagdag ko at tumayo na kami ni papa para kumain na.

"Mahal na mahal ka rin namin anak," bulong ni papa at malawak akong napangiti.

Balak ko sanang sa bahay muna ako ngayon buong araw pero bigla akong tinawagan ni Aldrich dahil magkikita raw kami. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa sinabi niya kaya naligo na ako at nagbihis.

I'm just wearing my black high waist pants paired with white shirt na may puso sa gitna. Nag white sneakers lang din ako na binili ko 'nong nakaraang birthday ko kasi regalo ko na para sa sarili ko.

Pagkalabas ko ng bahay ay si kuya Eman ang nagsundo sa'kin para sa pupuntahan namin ni Aldrich pero wala man lang akong ka-alam alam kung saan iyon. Sabi niya lang na alam daw ni kuya Eman.

Tahimik lang si kuya Eman habang nagmamaneho at ngumingiti lang 'pag nagtama ang paningin namin.

Nang huminto na ang sasakyan ay hindi agad ako pinababa ni kuya Eman. Naki-usap siya sa'kin na itakip ko raw sa mga mata ko ang isang panyo na kulay dilaw na bigay sa kaniya ni Aldrich. Kailangan daw dahil ko raw pweding makita agad ang hinanda ni Aldrich.

The Lost Memory (Completed)Where stories live. Discover now