CHAPTER 8

245 7 0
                                    

Small Lagoon

I kissed him back but it only last for a seconds, I instantly pushed him away from me and took a deep breath.

This is wrong! This is crazy!

Nanginginig ang mga kamay ko pati na rin ang mga tuhod ko pero pinilit ko pa ring tumayo para umalis. Hindi ko na rin sinubokang tignan si Sir Aldrich dahil parang wala na ako sa sarili ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng mabilis dahil gusto kong lumayo sa kaniya ngayon, gusto kong mapag isa.

Pero parang gusto ko na lang maglaho nang maabotan niya ako. Hinawakan niya ang kanang braso ko at hinila ako paharap sa kaniya. Wala akong lakas kaya madali lang sa kaniyang hilahin ako, at ngayon ay dalawang braso ko na ang hinawakan niya ng mahigpit pero hindi masakit.

"I'm sorry, I'm sorry for what I did. Nadala lang ako, I'm really sorry Charmaine," he was panicking while saying those, I saw his worried eyes and I feel that I saw it before.

Walang emosyon ko siyang tinignan at nag ipon ng lakas para hawiin ang mga braso kong hawak niya, "I'm sorry rin Sir pero hayaan niyo po muna ako, gusto ko munang lumayo. Gusto ko munang mag isip, babalik rin naman po ako mamaya. Hayaan niyo po, iisipin ko na lang na walang nangyari. Hindi po ako galit sa inyo o ano pero gusto ko lang munang mapag isa ngayon." matapos ko iyong sabihin ay tumalikod na ako para umalis na ng tuloyan.

Agad akong huminga ng malalim nang makalabas na ako ng hotel. I suddenly closed my eyes and wide my arms to feel the fresh air coming from the ocean.

Masaya ako dahil kahit papaano'y napagmasdan ko ang karagatan ngayon, lalo na't gusto kong mapag isa. Sa tuwing nagkakatampohan kami ng pamilya ko noon ay lagi akong pumupunta sa dalampasigan kahit gaano pa ito kalayo sa amin.

Umupo ako malapit sa isang malaking puno dahil dito lang ako pweding maka upo para makita ang kabuuan ng dagat. Tinanaw ko ang malakas na alon at ang paglubog nang araw dahil magdidilim na. Ang gaan sa pakiramdam dahil ang ganda at ang saya pagmasdan. Nakakawala ng stress at problema sa buhay.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala kung paano iyon nangyari at kung bakit hinayaan ko iyong mangyari pero tulad niya'y nadala lang rin ako.

Pero ang gustong itanong ng puso ko ay kung bakit niya ako hinalikan?

Wala naman siguro siyang gusto sa'kin. Pakiramdam ko nga rin ay totoo 'yong sinabi niya sa'kin na may mahal siya noon at hanggang ngayon ay mahal niya pa rin.

Kaya hindi ko lubos maisip kung bakit niya iyon ginawa? Inisip niya ba na ako 'yong babaeng minahal niya years ago?

Pero kahit na, hindi dapat nangyari ang halik na iyon kasi ang laki nang nawala sa'kin. I promised to myself that my first kiss will be on my first love, first boyfriend.

Nang makabalik na ako sa hotel ay dumiretso akong shower room para maligo kasi medyo malagkit na ang katawan ko dahil sa malakas na hangin na dumampi sa balat ko buong oras kanina.

Nagtaka rin ako dahil wala si Sir Aldrich sa room namin pero hindi na ako nag abalang hanapin siya dahil baka may pinuntahan lang.

Habang naliligo ako ay naalala ko ulit ang naging halik namin kanina at ramdam ko pa rin ang lambot ng mga labi niya. Sinabunotan ko ang sarili ko dahil naalala ko ulit iyon at agad akong nag buhos ng sa buong katawan ko para naman mahimasmasan ako.

A plain white shirt and cotton pants ang suot ko ngayon dahil mamaya na lang ako magpapalit ng short pag matutulog na.

Habang nag aayos ako ng mga gamit ay biglang dumating si Sir Aldrich na may dalang supot ng pagkain. Lumapit siya sa'kin para ibigay ito at malugod ko naman itong tinanggap.

The Lost Memory (Completed)Where stories live. Discover now