CHAPTER 23

190 10 0
                                    

Sugba, Lagoon

Sasagot na sana ako nang magsalita ulit siya.

"But wait..." he grinned, "Alam ko 'nong nakaraang araw ay pakiramdam mo hindi kita kayang ipagmalaki sa lahat pero tanda mo 'yung sinabi ko sayong pag maayos ko na ang lahat ay liligawan na kita? Pero hindi na ako makapaghintay e, gusto ko nang maging akin ka na. Ayaw ko nang magkawalay ulit tayo ng landas,"

Hindi mawala ang matamis kong ngiti habang nakikinig sa mga sinasabi niya. Naiiyak na rin ako sa tuwa kasi hindi ko akalain na magiging ganito ka unexpected 'yung mangyayari sa pag aalok niya sa'kin para maging kasintahan niya.

"Naiayos ko na ang lahat Charmaine," he paused, "Nakabili na ako ng bahay para sa ating dalawa at sa magiging anak natin."

Nanlaki 'yung mga mata ko dahil sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Bumili siya ng bahay para sa aming dalawa?

"Alam kong nakakagulat pero plinano ko na lahat ng 'to, kapag sinagot mo ako ngayon ay pangako ko sayong papakasalan kita kasi ikaw lang 'yong gusto kong makasama Charmaine, ikaw lang." malambing niyang puna habang nakaluhod pa rin sa harap ko.

"Y-yes. Sinasagot na kita. Gusto kong tumayo ka na r'yan kasi ako ang nahihirapan sayo e," I answered.

Lumiwanag ang mga mata niya at nagmamadaling tumayo para yakapin ako.

"Paki ulit nga," bulong nito.

"Yes. Oo, sinasagot na kita." bulong ko rin sa tenga niya.

"Ang sarap sa tenga at sa pakiramdam sagotin ng babaeng hinahangad kong makasama habang buhay," he exclaimed while hugging me tightly.

"I love you Aldrich..." wika ko.

"I love you more my love..." tugon nito.

Nang kumawala na siya sa naging yakapan naming dalawa ay maingat n'yang hinawi ang buhok ko para isuot sa aking leeg ang kwintas. Sobrang ganda ng kwintas at mukhang mamahalin.

"Ang ganda ganda ng kwintas Aldrich kaya lang, mukhang hindi bagay sa'kin." sambit ko, "Mas bagay pa 'to kay Chesca,"

Kung titignan mo kasi ang kwintas na 'to parang pang mayaman lang ang pweding magsuot nito. Hindi katulad ko na simpleng babae lang.

"How can you say that?" his brows furrowed, "You're beautiful and you look elegant. Hindi naman ako bibili ng kwintas kung hindi nababagay sa magiging girlfriend ko na naging girlfriend ko na ngayon. Okay? So don't say that this is not suit on you because it's fine. You look more beautiful my love," he insisted.

"Okay, okay. Thank you for making me feel that way. Thank you for this necklace that i'll treasure forever. I love you," I mouthed.

"Your welcome, I love you too." he responded and kiss me in the top of my forehead, "Lets go? They're waiting for us." he chuckled. Tumango ako at palihim ding natawa kasi ilang minuto rin naming pinaghintay ang mag to-tour sa amin.

Nakakagulat naman kasi manligaw 'tong si Aldrich. Umagang umaga talaga niyang napiling mag effort sa harap ko.

Sa gitna nang paglalakad namin ay biglang pumasok sa isip ko ang sinabi niya sa'kin kanina na nakabili na siya nang bahay para raw sa aming dalawa. Alam kong ang swerte ko na kung si Aldrich ang magiging asawa ko at ama ng magiging anak ko pero nakakahiya sa pamilya niya. Nakakahiya na ang anak nilang si Aldrich ang bumili ng bahay para sa aming dalawa na dapat ay tumulong ako, na dapat pera naming dalawa ang ibibili pero wala naman akong sapat na pera. Bakit ba naman kasi agad agad siyang bumili e hindi pa nga kami kasal.

"Aldrich, alam ba ng parents mo tungkol sa sinabi mo kanina sa'kin na bumili ka ng bahay?" kuryos kong tanong nang sumakay kami nang barko at medyo malaki ito.

The Lost Memory (Completed)Where stories live. Discover now