14

203 9 0
                                    

"Carpio, tignan mo isang batang sanggol", sabi ng babaeng asawa nito.

"bata nga! Paanong napunta dito sa basurahan na ito ang sanggol na ito? Sino namang mga magulang ang umamduna dito.", sagot naman ng lalaki.

"kawawa naman. Ibigay natin sa bahay ampunan!", kinuha ng babae ang mahimbing na natutulog na sanggol.

How can a mother left here this innocent angel. Mapupula ang mga pisngi nito at kulay gatas ang balat nya. Tila nasa 5months ang batang ito. Kung sino man ang nag-iwan ay wala silang awa sa mumunting anghel na ito.

Nakita ng lalaki kung paano tignan ng asawa nya ang sanggol. Kakatapos lang lumabas sa hospital ito dahil sa komplikadong panganganak nahumantong sa coma. Ng nagmulat ito ng ulirat ay nalaman pa nya ang pagkamatay ng isinilang nyang sanggol, di man lang nya ito nakita or nahagkan. Alam ng lalaki kung gaano nangulila ito sa namatay nilang anak, at sa paraang pagtitig nito sa sanggol na hawak nya ay naawawa sya dito.

"kupkupin natin ang bata kung hindi ito hahanapin sa ampuan!", desidido nyang tugon sa asawa. Tumingin ito at nasilayan ng lalaki muli ang ngiting matagal na nyang gusto makita sa asawa.

There are couple who struggle into difficulties of having a child. May iba naman na madali lang ibigay or pabayaan ang batang tulad nila. Sa mag-asawang ito, mahalaga ang buhay ng abandonadong bata, nakikita nila dito ang namatay na anak.

Simula noon, pinalaki nila ang batang ito na tunay nilang anak. Kahit minsan ay di nila pinaramdam dito na di nila ito tunay na anak. Ito ang pumuna sa nangungulila nilang puso, ang dulot ng pagiging magulang dito ang nagbigay buhay sa malungkot nilang karanasan.

"happy Birthday Tanya! Pasensya na sa ensaymada. Ohh heto may kandila pa para magmukhang cake!", natatawang tugon ng ama nito.

Kahit sa simpleng handa tuwing kaarawan nito, di naramdaman ng bata na kulang sya ng mga bagay na meron sa iba.

Kahit na noon isinilang ang unang anak ng mag-asawa. Ang dalagang Tanya ang naging big sister na nag-alaga dito.

"Carpio, masaya akong naisilang ko ng maayos si Clark. Di ko kakayanin kung pati sya mawala. Ng mamatay si Tanya, gumuho ang buhay ko.", umiiyak na tugon ng ina nito.

"shhh... Wag ka ng mag-alala. Biyaya ng maykapal ang hatid nya sa atin. Clark is safe dahil ang ate Tanya nya na nasa langit ang gumabay sa kanya. Shh... Tahan na. Si Tanya na tinanggap at minahal nating anak ngayon ang nagpupuna ng kakulangan sa nawala nating anak. "

" maari na natin sabihin kay Tanya Carpio. Ayaw ko na pagdating ng panahon ay kasusuklaman tayo ng anak natin.. Mahal na mahal ko sya kahit di ko sya kadugo. ", hikbi ng babae.

Tanya was so shocked hearing the confession about her true Identity. Hindi nya ito matanggap at umalis sa kwarto kung saan nakaadmit ang mama nya.

Iyak sya ng iyak sa hall ng hospital at di nya alam kung saan sya pupunta hanggang makarating sya sa isang garden doon. Maaliwalas ang panahon. Ang sinag ng araw ay nakakasilaw pero ang mga luha nya ang patuloy sa pag-iyak. Umupo sya sa tabi at humagulgol ng mabuti. Di na nya alintana kung sino ang mga taong naroon og dumaraan doon.

Sa kabilang gilid nakaupo ang isang binatang lalaki. Kasing edad ito ni Tanya. Mysteryoso at walang emosyon itong tinitignan ang umiiyak na si Tanya.

Umangat ang mukha ni Tanya at kuryusidad na tumingin sa lalaki. Pinunasan nya ang mga luha sa pisngi at sumimangot dito.

"bakit ka nakatitig?", tanong nyang naiinis dito.

Trap With You (Shardon) Where stories live. Discover now