02

85 23 24
                                    

"Enas, dyo, trio, gumagaling kana sa pakikipag laban Aya"

Saad ng aking tagapagsanay siya ang naatasan na magturo ng saakin kung paano tamang gamitin at humawak ng sandata upang mas maging bihasa ako sa paggamit nito.

"Aya!, Bumalik ka rito!"

Ang kanyang sigaw , siya'y aking tinakbuhan dahil ako'y labis nang pagod , nais kong pumunta sa puno ng Tallulah, dahil doon lagi ako nagtutungo kapag tumatakas ako sa aking guro..

Habang papunta ako may naka salubong akong  eremita

" Magandang umaga binibini maari mo ba akong tulungan"

Sa una'y ayaw ko sapagkat nakakatakot ang kanyang wangis hindi siya pangkaraniwang ermitanyo dahil napaka haba ng kanyang balbas ,
ang isa pa ay unang itinuro saakin ng aking guro na huwag basta basta magtitiwala kung kanino lamang lalo't wala akong kapangyarihan

"Maari ko bang malaman ang iyong ngalan?" Tanong ko

"Ako si Lycus isa akong manghuhula"

Nagulat ako sa kanyang tinuturan dahil maari kong itanong sakanya kung ano ang mangyayari sa hinaharap , kaya agad akong pumayag

"Papayag ho ako kung inyong pahihintulutan na makita ang aking hinaharap" ang aking pagtatanong

Siya'y tumango kaya binigyan ko siya ng mga prutas na nakuha ko sa paglalakad patungo sa puno ng Tallulah ,ibinigay ko rin sakanya ang tubig na aking baon.

Nang matapos siyang kumain ay inaabot ko sa kanya ang aking palad upang mahulaan nya ang mangyayari saakin , ngunit siya'y nagulat at tumango na lamang.

Kinuha nya ang palad ko at hinawakan ito ng madiin, mayroon siyang nilagay na isang bagay sa aking palad , at naging dahilan ito para sumakit ang aking palad...

"Ahhh aray!"

"Iyan ang kapalit , sakit ang iyong mararamdaman, ngunit wag kang mag alala dahil mawawala rin agad ito"

kanyang pagpapaliwnag

Patuloy akong nasasaktan sa ginagawa ni nararamdaman ko na may tumutusok sa aking katawan , pumikit siya at iniisip kung anong hinaharap ko, tinitigan ko siya habang iniisip ang mangyayari.

Nang bigla na lang syang bumitaw at na paupo agad ko si yang inalalayan tumayo inabot ko sa kanya ang kanyang tungkod...

"Ano ho ang nakita nyo?"

"Ano ang iyong ngalan?" Siya'y nag tanong

"Amadrya po , ngunit kung inyong nais ay mamari nyo akong tawaging Aya"
masayang turan ko , ngunit siya'y nabigla sa aking sinabi.

"Ikaw ang anak ni  Imera Faunus at Vasilissa Ceres?"

Nagtatakang tanong niya kaya agad akong tumango

"Ano pong nakita ninyo?" Ang aking pangungulit

"Makapunta ba ako sa mundo ng maga tao?"

Agad siyang umiling at sinabing

"Oo" labis ang galak sa aking puso ngunit agad itong nagbago ng sinabi nyang ....

"Ngunit kung maari at may panahon pa baguhin mo na ang iyong tadhana"

Ako'y nagtaka dahil ayon sa aming mga paniniwala ay walang makakapagpabago ng tadhana , kaya't siya ay aking tinanong.

"Bakit?"

"Dahil ikaw ang magiging hadlang"

Hadlang saan lalo akong natakot dahil wala naman akong ginawa o sumpa ..

Amadraya: The Petrified Silence Of Acronapuila ( Complete)Where stories live. Discover now