Epilogue

40 16 0
                                    

#THEBLOODYWAR


Dali dali kaming nag tungo nina Argus at Laurus sa Cuernavaca upang makita ko na ang aking tunay na ama, at ilang sandali lamang ay nakarating na agad kami sa Cuernavaca


"Ama!"


Masiyang sambit ko nang makita ko ang aking ama na nakahiga sa kanyang kama, at halatang may malubhang sakit na dinaramdam, agad ko siyang binigyan nang mahigpit at mainit na yakap, upang madama nya ang aking pagmamahal sa kanya.

"Aya aking anak!"


Kanyang pag bati sa akin, agad nya rin naman akong hinalikan sa aking pisngi, at hinawakan ito, kusa na lamang tumulo ang aking mga luha dahil sa galak  sapagkat nakita ko na ang aking tunay na ama,



Ngunit hindi iyon nag tagal sapagkat nag patunog nang malakas, na isang babala na may nalalapit na digmaang magaganap.


Agad kaming lumabas nang silid kasama ko si Laurus gayun din sina Argus at ang kanyang ama, agad kaming sumilip sa nayon nang Agora at nakita kong nag hahanda nang pseudologian,


Kitang kita namin ang mga Elanchos na naghahanda at papalapit sa baybayin nang Fantods, kaya dali dali akong lumabas nang palasyo upang puntahan ang aking mga kasama sa Acronapuila, ngunit pinigilan ako ni Argus.



"Aya where you going?"

"Kailangan kong pumunta sa aking ina upang humingi nang karagdagang tulong, lalo na't kapanalig nila mga Preveza!"


Agad naman siyang tumango, kaya dali dali akong nag tungo sa aking mga kasama, sapagkat nakakatiyak akong nasa panganib silang lahat, dahil ang mga Preveza ay naturingan ding malakas na kaharian, na naninirahan sa aming mundo,



Ang aking ipinagtataka ay kung paano nila nakuha ang loob nang kanilang hari, dahil kilala ang hari ng Preveza bilang isang disiplinadong hari ,at kahit kailan ay hindi pumapanig sa mga masasama katulad nina Muavais.


Nasisiguro kong pinagbantaan sila ni Muavais upang pumanig sa kanila, hindi maaring mag isa lamang ang Cuernavaca na lumaban, sapagkat kulang ang bilang nang aming hukbo, gayun din ang aming mga sandatang pang digma kaya hihingi ako nang tulong sa aking mga ka lahi.


Pag karating ko roon ay nakita kong lumilikas na ang mga nilalang na walang kakayahang lumaban, sa digmaan, gayun din ang mga Elanchos na naghahanda na, tila alam na nila ang nangyayari sa aming mundo.


"Ina!"

Ang aking tawag sa kaniya nang agad akong nakarating sa loob, nakita kong maging siya ay naghahanda na rin, ngunit ang aking ipinagtataka ay kung nasaan si Faunus.

"Aya!"



"Nasaan si ama?"

"Agad siyang umalis nang malaman ang totoo!"

Hindi maaaring pumanig ang aking ama sa kanyang mga kapatid, dahil hindi ko kaya na maging siya ay aming kakalabanin, ngunit ayon na sa pagsasalaysay ni Ina ay magisa lamang siyang umalis, nawa'y hindi nalason nina Iccahus ang kanyang isipan.

Hindi na kami nag paligoy ligoy pa at agad kaming nagtungo sa Cuernavaca kasama ang mga Elanchos, pagkarating namin doon ay handa na rin sila, kaya nagtungo kami sa baybayin nang Fantods, upang salubungin ang mga kalaban.


Mula sa malayo ay tanaw ko sina Muavais na kasama sina Leander at Alistair maging ang kanilang ama at iba pang mga kasama,

Magpa hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makpaniwalang pumanig na nga sa aming mga kalaban sina Leander na aking kababata pa man din matagal ko siyang pinagkatiwalaan ngunit ganito ang kanyang igaganti sa amin.




Amadraya: The Petrified Silence Of Acronapuila ( Complete)Where stories live. Discover now