14

36 14 10
                                    

"ina! sabihin mo saakin ang totoo!"

Ang aking pag sigaw nang makarating agad ako sa aking dating tirahan, nakita ko na nag  pupulong sila,


Agad naman nabigay ang kanilang tuoon sa akin nang ako'y mag salita, kitang kita sa mga mata ng aking ina ang galak, sapagkat ako'y nagbalik nang muli,



"Aya aking anak!"

Akmang hahawakan nya ako ng ako'y umatras, upang hindi nya ako madikitan.


"Inuulit ko ina, Sino ang aking tunay na ama!"


Tiyak akong lahat sila ay nagulat sa aking mga tinuran, dahil lahat sila ay napatayo at lumapit saakin,


"Aya ano ang iyong mga sinasabi?"



Tanong ng aking ama, na malapit sa aking ina at nakahawak sa kanyang braso, sapagkat nais kong malaman ang totoo, sino ang aking tunay na ama, saan nang galing ang aking taglay na lakas.

"Huwag mo akong linlangin aking ina,"


"Aya si Faunus ang iyo--"


"Hindi!" Aking pag putol " kung gayon saan nagmula ito!"

Agad kong ipinakita ang kapangyarihan ko at maging sila ay nabigla, nakita ko rin, nakita si Iccahus na kapatid nang aking ama

"Anong kagaluhan i--"


"Manahimik ka!"

Agad ko rin siyang pinatikim ng aking lakas, kadahilanan ito upang siya ay matumba sa kanyang pagkakatayo

"Aya!" Agad siyang inalalayan ni ama,


"Sabihin mo ang totoo ina!"



Muli kong tanong, at binigyan nang isang matalim na tingin ang bawat Pharaphilia na makakatama sa aking mga mata,



ramdam kong natatakot ang bawat isa sa kanila , dahil sa mga natuklasan sa akin


nang nasa loob nang aming kaharian ay napanganga sa mga nalaman, maging ang aking ama, ay napatayo na lamang sa pag kakaakay sa kanyang kapatid.



Habang ako ay naka tulala na lamang sa kawalan, totoo nga dalawang dugo ang dumadaloy sa akin, isa rin akong Cuernavacatian katulad ni....



"Argus!"


mahina kong bulong, ang ibig sabihin ay mag kapatid kaming dalawa, pareho kami nang ama, ngunit hindi, hindi maari ito,



Mahal ko si Argus, ngunit paano siya mapasaakin kung, ipinagbabawal ang pagibig na aming pinaglalaban, isa isa nang pumatak ang mga luha sa aking mga mata.




"Ceres!" Ang pagputol ni Faunus "totoo ba ito?"


Dahan dahang tumango ang aking , Ina, at si Iccahus naman ay tila nagulat, din lahat sila ay nabigla at hindi makpaniwala.



"Itinago namin ito ni Dionysus, nang matagal nang panahon, upang mailigtas si Aya!"



"Nag bunga ang aming pagmamahalan, Faunus, nang matagal nang panahon, at si Aya , iyon sapagkat ang aking anak sa iyo ay matagal nang patay"

Si Larisa, siya ba ang tinutukoy ni ina, ang anak na pinaniniwalaang, anak din ni Dionysus, kaya ba siya ipinapatay, at ang tunay nilang anak ay hindi ako,


Kung di si Larisa na kinilalang ako sa loob ng ilang libong taon nang nakalilipas,  ang aking kapatid na ni minsan ay ni hindi ko man lang nasilayan ang kanyang wangis.


Amadraya: The Petrified Silence Of Acronapuila ( Complete)Where stories live. Discover now