09

42 20 13
                                    

-Dionyus-


"Nandito na sya" aking sambit sa aking isipan, ikinagagalak ko na mapunta ang aking anak sa aming mundo,


Salamat sa tulong mo Aya, ngunit hindi nyo pa kailangan malaman ang totoo, hindi pa ito ang tamang panahon.



Sana lamang ay manatili ang pagmamahal ninyo sa isa't isa kung sakaling malaman and totoo...





Nawa'y manaig ang pag papatwad at ang pag mamahal na katangian ninyong dalawa, upang bawiin ang ating mundo sa malagim na sinapit nito......



Agad akong tumingin sa aking gilid at kitang kita ko ang aking anak mula sa aking makapangyarihang Panemorfi,




Napaka laki na niya ,at nawa'y napalaki ka nang iyong kinikilalang mga magulang nang may pagmamahal at magandang kalooban.




Ngunit nakakatiyak ako na nanaisin syang makuha nina Ares at Muavais upang makuha ang kanilang nais, kailangan nang proteksyon ng aking anak laban sa kanila....



Agad kong ikinumpas ang aking kamay at sinambit ang mga salitang.




"Deixi Mou Kalosyni Laurus!"



At hindi nga ako nabigo nagpakita saakin ang aking kaibigan na pinagkakatiwalaan..




"Nagagalak akong makita ka aking matalik na kaibigan!" Ang kanyang bati.


"Nais ko sa-"




"Batid ko na, na nandito na ang iyong anak!"




Agad siyang lumapit saakin at hinimas ang aking ulo mula sa pagkakahiga,



"Gagawin ko ang iyong nais!"


Nawa nga Laurus sapagkat, hindi ko mapapatawad ang aking sarili na may mangyari sa aking anak.


"Ngunit  hin-"


"Pangalagaan mo sya laban sa kanila, sapagkat nakakatiyak ako na gagawin nila ang lahat makuha lang siya....."



Hindi ko na sya ipinatapos sa kanyang pagsasalita sapagkat hindi maaring malaman nang ninuman ang sikretong matagal nang ikinubli.



"Turuan mo syang magpatawad at, kilalanin kung sino talaga sya!"



Agad syang tumayo at nagpaalam sa akin nag wangis ibon sya upang mahanap ang aking anak.




-Laurus-

Nawa ngay tama ang naging pasya mo Dionysus, sapagkat nakakatiyak ako na masasaktan nang labis ang iyong anak kapag nalaman nya ang totoo,



Agad akong lumipad at nilinga linga ang tingin sa ibaba mula sa itaas, at hindi na ako pinahirapan, agad ko siyang natagpuan....





Bumaba ako mula sa itaas at tinanaw ang kanyang itsura, napaka gandang lahi ang dumadaloy sa iyo Damocles, ngunit sana'y maintidihan mo.




Lumapit ako sa kanya at inakayan nya naman ako, tila may magandang kalooban si Damocles ngunit siya'y nagulat nang mag wangis tao ako..




"Heyyy wh-o a-re -you?"



"Ako si Laurus" Ang aking pag papakilala.





"You k-n-ow m-y lau-ngu-e?"



Agad akong tumango sapagkat, binigyan ako nang basbas ni Dionysus upang maunawaan ang kanyang mga salita...



Amadraya: The Petrified Silence Of Acronapuila ( Complete)Where stories live. Discover now