11

34 18 12
                                    

"kung hindi mo kaya Leander ako na ang gagawa para sa iyo"

Agad kong ikinumpas ang kamay ko ,ay itinapat ito kay Aya na magpa hanggang ngayon  nanatiling naka higa sa sahig, at wala nang malay.

Agad kong sinabi ang mga salitang nais kong gawin sakanya, at hindi ako nabigo, wala nang nagtangkang pigilan kami sa aming hangarin.





-Amadrya-



Nagising na lang ako sa isang napakalaking silid, puno ito nang mga bulaklak at halaman, na makikita lamang sa kaharian nang Aguascalientes,



Puno rin ito nang mga makukulay na nilalang, at hayop, napatingin na lamang ako sa salamin na nasa aking harapan, nakasuot na ako nang isang napaka gandang kulay pulang damit.


Napangiti na lang ako sa ganda nang aking suot, hinawakan ko ito, maging ang aking ulo na may nakalagay nang maliit na korona,


Nang biglang bumukas ang pinto, at nakita ko si Leander na papasok, kitang kita sa kanyang mga mata ang galak, agad ko siyang sinalubong napakagandang  ngiti mula sa aking labi.


"Mabuti naman ay gising kana!"

Agad nya akong hinalikan sa aking pisngi at binawian ko naman siya agad,



Inalok nya saakin ang kanyang kamay upang ako'y akayan, agad ko itong kinuha at, nagsimulang sumunod sa kanya, sinamahan nya ako palabas nang aking kwarto.



Habang patungo kami sa hardin ay nakasalubong namin si Hippolyta, na kasama ang kanyang mga alipin, agad nya akong binati at binigyan nang magandang ngiti.


Pagkatapos noon ay agad kaming tumuloy sa aming paroroonan, nang kami'y makarating sa hardin, ay agad akong natuwa sapagkat ngayon lamang ako nakakita nang ganoong mga klase nang halamang pampaganda.



"Naaala mo ba ito Aya, ito ang bulaklak ng Edelweiss, noong mga bata pa lamang tayo?"


Ngunit hindi ko ito malala, ang aking pagkakaalam si Leander ay aking kasitahan,


"Hindi ba't tayo'y magkasitahan, aking mahal?"

Aking tugon, ngunit bigla na lamang nawala ang galak sa kanyang mukha, subalit agad naman itong bumalik nang maintidihan nya ang aking ibig sabihin,


Isinabit nya sa aking tenga ang bulaklak na may magandang, kulay at mas lalong gumanda ang aking itsura,


Pagkatapos namin magtungo doon ay umalis muna si Leander at iniwan lamang ako sa mga alagad,


Nagtungo ako muli sa hardin, nang may lumitaw na isang eremita sa aking harapan, bakit parang namukhaan ko siya, ngunit hindi ko mawari kung saan at kung kailan kami nagkita.

"Aya! hindi mo ba ako naalala?"


Kanyang tanong ,ngunit paano nya ako nakilala, akmang hahawakan nya ako nang hinarangan siya nang mga Elanchos na aking tagapagbantay,



Ngunit agad ko silang pinatigil, at ibinaba ang kanilang mga sandata na nakatutok sakanya.
Palapit ako nang ako'y pigilan nang mga alipin.


" Ngunit Mah--!" Kanilang pagtutol

"Huwag kang mag alala!"


Agad akong lumapit at inaabot ang aking kamay sa kanya, agad nya itong kinuha at nilagyan nang durog na bulaklak nang lilac



Binasa nya ang aking tadhana nang bigla na lamang siyang natumba, agad naman siyang inakayan nang mga alagad na makatayo.


"Ano ang iyong nakita?" Aking pagtatanong, ngunit hindi siya agad naka sagot at mukhang pinag iisipan kung anong ituturan.


Amadraya: The Petrified Silence Of Acronapuila ( Complete)Where stories live. Discover now