12

39 17 11
                                    

#The truth


Nababatid kong nadirito na siya, konting oras na lamang ang hihintayin ko at mapasaakin na ang Amaranthine,


Hindi ko rin akalain na magkakatotoo ang lahat nang hula, nang isang eremita, ngunit ang aking kinatatakutan ay ang taglay na kapangyarihan ni Aya.


Hindi malabong may iba din siyang dugo, o lahi na dumadaloy sa kanyang katawan, sino ang kanyang tunay na mga magulang, hindi ba nag sisinungaling sina Ceres at Faunus tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.


Bakit ko ba iyon iniisip, wala na dapat akong dapat pang alalahanin, dahil nasaakin na ang tiwala at ang pagkatao ni Aya, at wala nang makakapagpabago nito.


Agad na tumakbo ang isang Elanchos saakin upang iulat kung sino ang aming panauhin, ngunit sino pa nga ba?

"Kyrios nadirito ang nag ngangalang Ar-"



"Argus!" Kanyang pag tango "papasukin siya"


Agad siyang pumunta sa entrada nang palasyo, nakita ko siyang nililigid ligid ang kanyang tingin, sa paligid at ngayoon lamang nakakita nito.

Nakita ko rin siyang may kasamang isang lalaki, at hindi na ako magtataka kung isa siya sa mga sinugo ni Dionysus na pnèvma, upang pangalagaan ang kanyang anak, ngunit hindi maaring masayang ang aming plano, walang makakapigil sa akin.


"Is this your castle?"


Tunay ngang iba ang kanyang pananalita  sa amin, ngunit hindi na iyon mahalaga dahil, binasbasan na ako ni Ares upang maintindihan ang kanyang paraan ng pananalita.


"Maligayang pag dating sa Aguascalientes Argus!" Aking pagbati at agad nya namang ibinaling ang tingin sa akin, mula sa trono.


"Wait your..... Your?" Ang kanyang pag turo saakin na tila kilala nya na ako


"Tama ka ako ang lalaking nakita mo sa iyong panaginip!"

Sabay tayo sa kanyang kinauupuan, at bumaba upang lumapit sa kanya, ngunit agad siyang hinarangan ng kanyang tagapagbantay.



"Kilala kita Muavais, huwag mo siyang masubukang hawakan"



kanyang pag suway sa akin habang naka harang ang isang braso kay Argus


Kaya bumalik ako sa aking trono, dahil alam kong magugulo ang aming plano dahil sa kanya.


"Where's Aya?" Ang kanyang pagtatanong

Agad akong tumango, at ipinahiwatig sa mga alipin na agad ipatawag si Aya sa kanyang silid.


"Maupo ka muna!" Aking pag aya ngunit hindi nya ito sinunod, dahil batid nyang masama ako sa una naming pagkikita sa kanyang panaginip.


Ilang sandali pa ay lumabas na rin si Aya.......


-Dionyus-

Nakakatiyak akong minuto na lamang ang hinihintay nila upang lumabas ang totoo, ngunit hindi maari, kailangan kong porteksuyan silang pareho, kailangan na nilang malaman ang totoo.

Ang totoo kung sino nga ba ang aking tunay na anak,

Ang aking anak na makakahanap nang dakilang sandata, na kanilang ninanais.

Ikaw na ang bahalang mag desisyonan nito Faunus, na sa iyong mga kamay ang magiging kapalaran nang lahat


-Amadrya-

Amadraya: The Petrified Silence Of Acronapuila ( Complete)Where stories live. Discover now