10

42 19 12
                                    

Nilagay nya yung kamay nya sa ulo  ko at may lumabas na liwanag dito, ano ang ibig nyang sabihin na maging siya ay may taglay na kapangyarihan,




Ang nais nya bang iparating ay kaming mga Pharaphilia ay may taglay o likas na kapangyarihan, ngunit hindi maaring mangyari iyon



Napaka labong mangyari, isa kaming mga mababang antas nang nilalang sa aming mundo...




Inangat nya ang kamay nya at tinapat saakin, habang sina Muavais ay umiinom sa kanilang Krasi,




Ramdam ko ang sakit na , naranasan ko ngayon, tila winawasak ang aking ulo, pilit akong kumakawala ngunit tila ayaw akong pagbigyan nang mga ahas na nakapulupot sa aking mga kamay

habang sinasabi nya ang mga salitang nais nyang gawin saakin.




"N'a all'exi' tin proóptiki tou  na 'ton ka 'nei  tro'mati'ko plasma"




Ano babaguhin nya ang aking pananaw sa buhay, balak nyang burahin ang aking mga alala at gawing masama upang maging nakakatakot na nilalang ako.




Ginawa ko ang lahat nang aking makakaya upang pumiglas ngunit, tila ayaw akong pagbigyan nang mga ahas , bakit hindi ko man lang nakita ang aking mga magulang,



Hindi ba nila batid na ako'y muling nagbalik sa aming mundo.





Nang biglang, napahawak si Leander sa kanyang sintido, na tila mawawasak na ito, ramdam ko ang sakit na kanyang nararamdaman.




Kaya't nakawala ako sa kanyang hangarin na baguhin ang aking mga pananaw,




Biglang napatayo sina Ares sa kanilang kinauupuan, dahil sa naganap ,habang si Leander ay nakasalampak sa sahig at namimilipit sa sakit.




"Ang problema Leander?" Gulat na tanong ni Ares habang palapit sa kanyang kinalalagyan.



"Tila may pumipigil sa atin!" ang kanyang sagot.


"Si Evander!"



Tila nawala sa kanilang mga mukha ang galak, sa nangyari,...... Evander, sino siya?


"Evander?" Patanong na sabi ni Alistair




"Sya ang nangangalaga kay Aya simula't sapul sa kanyang pagkabata!"



Ngunit kailan man hindi ko narinig ang kanyang pangalan, ni wala ring nabanggit ang aking mga magulang tungkol sa kanya.




"Walang tagapagbantay si Aya Muavais!" Sigaw ni Leander



Dahil nakakatiyak ako na alam nya rin iyon dahil, kami'y mag kababata.



"Isa syang pnèvma, na inihandog siya ni Hunter sa kaniyang mga magulang, upang mapangalagaan si Aya"




Kanyang pagsasalita, nagyon ay batid ko na kung sino ang ibong palaging nakasunod sa akin, ang ibon na laging nakamasid at pinapansin akong, gawin ang kung ano mang nais ko.


Ngunit ang aking ipinagtataka ay ni minsan ay hindi nya man lang ako pinagbawalan, katulad noong mga bata kami ay lagi akong pumupunta sa puno nang Tallulah,


Maging ang balak ko na magtungo sa mundo ng mga tao, hindi nya man lang ako binalaan o pagsabihan, ganoon din ang kanyang wangis hindi ko sya nakita simula't sapul  aking pagkabata.


Amadraya: The Petrified Silence Of Acronapuila ( Complete)Where stories live. Discover now