CHAPTER 7

3.4K 62 1
                                    

CHAPTER 7



Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang makita ko syang nakatalikod.


Agad akong nanakbo at niyakap sya.


"Buti dumating ka na..." Napaiyak ako dahil sa lungkot at saya. Ang alam nya ako ang kakambal ko.


Humarap sya sa akin.


"Namiss kita..." Sabi nito at tumingin sa kanya.


"Tagal mong nawala,sobrang namiss kita..." Sabi nya at niyakap ako.


Ito ba ang kakambal ko palagi? Ilang minuto o ilang oras lang hahanap hanapin agad sya ni Nicholas.


Mas naiyak ako dahil sa inggit.


Sana kung alam ko noon para hindi nalang nakipagpalit.


"Bakit ang tagal mo?" Tanong nito habang yakap parin ako.


"T-tumitingin tingin lang ako sa mall." Sabi ko, pasenya na kelangan kong magsinungaling.


Tiningnan nya ang mukha ko.


"Wag ka na ulit umalis nang ganon katagal, sobra kitang namiss." Sabi ni Nicholas.


Ang swerte ng kapatid ko...


Ganitong Nicholas ang sasalubong sa'yo, sobrang saya.


Nakakainggit...


"Mahal na mahal kita." Sabi nya kaya malungkot akong napangiti.-To be continued

TWS#5: The Switch Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now