CHAPTER 30

3.1K 51 0
                                    

CHAPTER 30




Tulala ako habang nakatanaw sa malayo.

Isang linggo na ang nakalipas simula ng huli naming pagkikita ni Nicholas.

Sa isang linggo ay medyo nakahinga ako at nakapagdesisyon.

Pero no,

Hinihintay ko na kusa syang lalapit sa akin.

Tiniis ko ang sarili kong wag syang puntahan.

Dahil nangako ako sa sarili ko na hihintayin ko sya at mismo sya ang lalapit sa akin.

Kahit na sinabi nyang hihintayin nya ako, kung mahal nya talaga ako ay pupuntahan nya ako.

"Mommy." Tawag ni Morraine sa akin.

Nakasuot ito ng pantulog.

"Oh anak. Matulog ka ulit." Sabi ko sa kanya at nilapitan sya.

"You're waiting Dad?" Tanong ng anak at tumango ako.

"If daddy really loves mommy and you, he will get us here." Sabi ko kay Morraine kaya ngumiti sya.

"What if matagal pa mommy?" Napatitig ako sa sinabi ng anak.

Nagkibit balikat nalang ako. Actually, I don't know...

"Then... Let's wait him." Sabi ko dito at umiwas ng tingin.

Wag naman sana nya kaming idismaya ng anak nya.

Maghihintay kami kung kailan sya babalik.

Matagal man ay maghihintay parin kami, ako.

Sa sobrang mahal ko kay Nicholas, handa akong maghintay ng matagal.

"Go to your bed. Matulog ka na ulit." Utos ko sa anak.

"Kiss." Sabi nya kaya hinalikan ki sya sa pisngi at pumunta na sa kwarto nya.

Nasa bahay kami ni Athene at may sarili talaga itong kwarto.

Tulala na naman ako habang nakatingin sa biluging buwan.

Nakakarelax habang tanaw ko ito.

Napatingin ako sa liwanag na bituin.

"L-lorraine..." Tumulo ang luha ko.

Miss na miss ko na ang anak ko.

"Please help me,help us." Sambit ko habang tanaw ang bituin.

"Tulungan mo'ko maging malakas pa para sa lahat anak." Sabi ko habang humagulhol.

"I miss you anak..."

"I miss your dad." Dugtong ko.

Ilang minuto akong umiyak ng maramdaman kong may malamig na hangin ang yumakap sa akin.

Napangiti ako ng maramdaman kong yakap yakap ako ni Lorraine.

"Salamat anak."




-
To be continued


TWS#5: The Switch Wife (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz