CHAPTER 8

3.4K 62 0
                                    

CHAPTER 8



Agad nya akong pinagsilbihan. Nilutuan nya ako ng pagkain, hanggang sa pagtulog ay yakap yakap nya ako.


Sobrang saya ng puso ko pero sana ay hindi ko malimutan na pansamantala lang ito.


Sana ay mas matagal ko pa syang makasama.


Sobrang nangulila ang puso ko sa kanya.


Bakit ba sa sobrang sakit, bakit pa sya ang asawa ng kapatid ko?


"Ano ang iniisip mo?" Tanong nya sa akin.


Nagulat parin ako sa kanya non na tuwid syang magtagalog.


"Wala naman." Sabi ko habang nakatanaw sa kisame.


Isang linggo palang akong naririto pero mas gusto ko pang dito nalang ako palagi.


"Bakit ka umalis?" Tanong nito kaya tumingin ako sa kanya. Nag-iwas naman sya ng tingin.


"Di naman ako umalis?" Sabi ko dito.


Hindi sya sumagot.


"Matulog na tayo..." Sabi ko rito kaya agad nyang niyakap ang hubad kong katawan.


Araw-araw naming ginagawa.


Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil mali ito e. Asawa sya ng kakambal ko...pero hindi ako nagsisisi.

Tinitigan ko lang ang mukha nya na alam kong tulog na.


Hinaplos ko ang kanyang pisngi.


"Sana ganito nalang palagi... Sana ako nalang ang napakasalan mo." Bulong ko rito.


"Nagkamali ako ng desisyon noon Nicho..."


"Sana ay ako ang nakasama mo sa nakalipas na isang taon..." Dugtong ko.


"Sana malaman mo na ako 'to si Athena..."


"...ang gusto mong pakasalan noon."



-To be continued

TWS#5: The Switch Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now