CHAPTER 24

2.8K 52 0
                                    


CHAPTER 24




"Kung kailangan mo ako, tawagan mo lang ako. Hindi ako mangingialam sa inyo... sa ngayon." Sabi ni Athene.

Nakaupo na kami sa sofa at tinitigan nya ako.

"Nasaktan lang sya Athene." Sabi ko sa kanya.

"Bakit ikaw? Nasaktan ka rin naman ah?" Nag iwas ako ng tingin.

"Kasalanan ko Athene kaya bagay lang sa akin 'to." Sabi ko.

Lumapit ito sa akin at tinabihan ako.

"Wala kang kasalan Athena..." Sabi nya kaya tiningnan nya ako sa mata.

"Walang masama na binigay lamang ang gusto ng anak..." Dugtong pa nito.

"Kasalanan ko pa rin." Sabi ko dito at tumulo na ang luha.

Imbis na magsalita sya ay niyakap na nya lang ako ng mahigpit.

Nakita ko si Nicholas at nilingon sya ni Athene.

"Di ko alam kung ano ang pinagdadaanan mo Nicholas, pero sana wag mong ganituhin ang kakambal ko." Sabi ni Athene.

Pero hindi sya pinansin ni Nicholas at umakyat nalang sa itaas.

Parang pinipiga ang puso ko sa asal nito.

"Uuwi muna ako, baka hinahanap na ako ng anak ko. Kung kailangan mo ako tawagan mo lang ako."

Lalabas na sana si Athene pero tinawag sya ni Nicholas.

"Pwede bang sa inyo muna si Morraine?" Sabi nito at nakita ko ang anak kong may backpack.

Tumingin si Athene sa akin kaya tumango ako.

Bumuntong hininga sya.

Kinuha nya si Morraine kay Nicholas at nagpaalam na.

Tahimik ako habang tanaw ang pinto kung saan sila lumabas.

"Sa taas." Malamig na utos ni Nicholas kaya agad akong sumunod.

Isang gabi na naman na sobrang dilim.

Nakakadilim ng buhay...




-

To be continued

TWS#5: The Switch Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now