CHAPTER 25

2.9K 51 1
                                    


CHAPTER 25




Pang apat na araw...

Pang apat na araw ko na.

Tatlong araw nalang.

Napaigik ako ng maramdaman ko ang hapdi ng katawan ko.

Hindi nagsawa si Nicholas kagabi at halos umaga na natapos.

Pagod na ako...

Pero kinakaya ko pa rin.

Ayokong ipakita sa kanya na mahina ako.

Nakatanaw ako kay Nicholas na ngayoy ngumingiti habang may kausap sya sa telepono.

"Oh sure. You can visit me anytime." Sabi nito para bang sinasadya nyang iparinig sa akin.

Habang naghahanda ako ng pagkain at biglang may nagdoorbell.

Mabilis ko itong binuksan.

Kumunot ang noo ko.

"Sino ka?" Tanong ko sa babae.

Ngumiti ito sa akin at nilahad ang kamay nya.

Tiningnan ko lang ito.

"Jushe." Sabi nya.

Napairap ako. Ang weird ng pangalan.

Tinaasan nya ako ng kilay.

"Anyways... Nandyan ba si Nicholas?" Sabi nito at tiningnan ako ulo hanggang paa.

"Anong kailangan mo sa kanya?" Tanong ko rito.

"Pinapunta nya'ko rito." Sabi nya kaya nangunot ang noo ko.

"Let her in." Rinig kong sabi ni Nicholas.

"What--"

"She's my girlfriend..." Nahulog ang puso ko sa narinig.

"Pero asawa mok-"

"You mean ex-wife?" Sabi ng babae.

Pumasok ito sa loob at hinalikan sa pisngi si Nicholas at ngumiti.

Mangiyak ngiyak ako habang nakatingin sa kanila na papuntang kwarto.

Napaluhod ako.

Kaya kong saktan nya ako physically pero wag na wag syang magpapakita ng ibang babae.

Sobrang sakit...




-
To be continued

TWS#5: The Switch Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now