CHAPTER 23

2.7K 54 0
                                    

CHAPTER 23




Napahiga na lamang ako sa sahig at lumabas na ito sa guest room.

Nakatulala lang ako.

Tila ba naubos na ang luha ko sa kanina.

Kahit hubad ang aking katawan ay wala na akong pakialam.

Pagod na pagod ako.

Sobrang sakit ng katawan ko.

...pati narin ang puso ko.

Nasisira narin ako emotionally.

Pero hindi e,

Unang beses palang naman to, makakaya ko 'to.

Di ko nalaman na nakatulog ako.

Napamulat ako ng mata at nakitang nakabihis ako.

Napangiti ako,

Kahit naman sinaktan nya ako kagabi ay binalikan nya ako.

Mahal nya pa ako?

Napangiti ako sa naisip.

Lumabas ako ng kwarto at dumiritso ng kusina ng masaya.

Habang nagluluto ay bigla na lamang sumulpot ang boses ng kapatid ko.

"Anong nangyari?" Tanong nito kaya agad akong napalingon.

"Oh narito ka pala. Sino nagbukas sa'yo nandyan ba si Nich-"

"Anong nangyari?" Napakunot ang noo ko.

"Nakita kitang hubad sa sahig." Sabi nito kaya agad nadismaya.

"I-ikaw..."

"Oo ako nagbihis sayo. Ano ba ang ginawa ni Nicholas at bakit marami kang pasa?" Nag-alala at may inis na tanong ni Athene.

"Wala lang 'to..." Sabi ko at tumalikod.

"Athena...nararamdaman kong nasasaktan ka. Kambal mo ako kaya alam ko 'yon..." Sabi nito.

Hinarap ko sya at nilapitan.

Agad nya akong niyakap ng mahigpit.

"Kasalanan ko ang lahat..."




-
To be continued

TWS#5: The Switch Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now