CHAPTER 11

3.4K 63 1
                                    

CHAPTER 11



Ano ba ang ibig sabihin nito.


Alam na kaya nito?


At totoo kaya ang sinabi ng kakambal ko?


Humiga na ako sa kama habang sya ay naliligo.


Nakatitig lamang ako sa kisame.


"...wag mo munang sabihin sa kanya."


Naalaa ko ang sinabi ng kakambal ko.


Pero...


Paano kung alam na nya?


Lumabas si Nicholas sa banyo at ngayoy bihis na.


Ngumiti ito sa akin nang makita nya akong nakatingin sa kanya.


"Lika ka dito." Sabi ko ar kinuha ang tuwalya na nakasabit sa upuan.


"Upo ka." Sabi nito kaya umupo sya paharap sa akin at yakap ang tiyan ko dahil nakaluhod ako.


Pinunasan ko muna ang basang mukha nito at ang kanyang buhok.


Idinikit nya ang mukha nya sa dibdib ko kaya nakiliti ako.


"Masyado kang sweet..."


"...baka di na kita bibitawan pa." Sabi ko dito at tiningnan ang kanyang mukha.


Yumuko ako at binigyan sya ng halik.


"Bakit? Iiwan mo ba ako ulit?"


Napataas ako ng kilay.


"Bakit iniwan ba kita?" Hindi 'yon nasabi sa akin ni Athene.


"You know what I mean, Athena." Sabi nya at muling dinikit ang mukha.


Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.


"I can hear your heartbeat. Why si loud?" Tanong nito at nakangisi.


Napabuga ako ng hangin.


Umiling ako.


"Kailan mo ba sasabihin sa akin Athena?" Tanong nito.


Ito na naman ang tanong nya.


"Bakit?" Dugtong nito.


"Ano bang pinagsasabi mo Nicholas?" Tanong ko.


"Athene always called me Nich, while you... you called me Nicholas." Sabi nito kaya napanganga ako.



Nahuli na ako!-To be continued

TWS#5: The Switch Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now