CHAPTER 16

3K 52 4
                                    

CHAPTER 16



Agad akong isinugod sa hospital ng maramdaman kong manganganak ako.


Andyan lang si Nicholas para sa akin. Hawak hawak nya ang aking kamay.


Nang marinig ko ang iyak ng mga anak ko ay napaiyak ako.


Alam ko na 'to e. Alam kong kambal ang anak ko.


"Lorraine Mercedez and Morraine Mercedez." Sabi ni Nicholas at ngayoy mangiyak ngiyak na.


"Ang gaganda nila mahal." Tumulo na ang luha ni Nicholas habang karga si Lorraine.


Tiningnan ko naman ang mukha ni Morraine.


"Sobrang ganda..." Sabi ko.


"Salamat mahal." Sabi ni Nicholas tumingin sa akin.


"Salamat rin sa pag-aalaga mo sa akin." Sabi ko dito.


"At salamat dahil tapos na ang paghihirap sa akin." Masama ko syang tiningnan.


Mahina ko syang sinipa.


Ngumisi lang ito. Gago talaga.


Pero masaya ako dahil nandyan sa palagi para sa akin.


Naghirap sya nung nagbubuntis ako. Palagi syang gumising ng maaga para lang mabili ang gusto kong kainin.


Kahit minsan mahirap mahanap ay kinakaya nya.


Napangiti nalang ako.


Sobrang swerte ko kay Nicholas, nakapaswerte.


Sana lahat ng babae magkaroon ng katulad ni Nicholas.


Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala pa sya sa akin.


Sana ay magiging matatag kami.


Mahal na mahal ko sya...


At ayaw ko nang mawala ito sa buhay ko.


Kung sakali man, baka mabaliw ako.

-To be continued

TWS#5: The Switch Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now