Prologue

17.5K 266 2
                                    

" Olivia! Damn it, where do you think you're going?"

Hinabol niya ang kakambal, na nagmamadali na lumabas sa kanilang bahay bakasyunan dito sa Baguio City.

Meron itong sakit sa puso at mahigpit itong binibilinan ng ama na iwasan ang mga naka stress na bagay. Pero walang nakakapigil dito, kaya kadalasan siya ang nagtatakip dito.

" Olga, why not come with me? Let's enjoy our few days here before we go back to Boston?"

Nakangisi ito sa kanya, na sa hitsura pa lang walang makakapigil dito.

Wala siyang magawa kundi sumakay na din sa Porsche na sinasakyan nito. Sunod sa luho ang kanyang kapatid, dahil sa kalagayan nito. Their parents felt bad kasi walang magawa ang pera nila para mapagaling ang kanyang kakambal.

" What is this place?"

Tanong niya nang humimpil ang sasakyan sa isang magarang vacation house.

"Tsked stop asking dear sister. Let's just enjoy."

Anito at masayang pumasok ng malawak na bahay bakasyunan.

Naiiling na lang siya at ginala ang paningin sa paligid. Me nakita siyang gazebo kaya doon siya pumunta. Hindi siya katulad ng ka kambal niya. Wala siyang hilig sa party. Isa siyang US agent and she loved her job, kundi lang kailangan niyang samahan ang kapatid niya hindi siya mag leave sa trabaho. Her mother is a Filipina and her father is a rich American soldier na nag conduct ng training dito sa Pilipinas. Ang negosyo ng ama ay may kaugnayan sa mga military supplies, kaya wala silang pag ka lugi. And later they owned a US-based detective agency na pareho nilang gusto ng kanyang ama.

" Damn it.!"

Aniya at pasalampak na umupo sa upuan na semento. She rather stayed in their vacation house and watch action movies than babysit her stubborn twin sister.

" Bro, why not talk to her? Parang kanina ka pa di mapakali."

Untag ni Jacob kay Theo na nasa veranda ng pangalawang palapag ng bahay. Tanaw nila ang Gazebo kung saan meron isang babae na mukhang nang gagalaiti sa galit. Nakita niya ito habang nag mamartsa papunta sa Gazebo.

Napakaganda ng mukha, she looks like a goddess. She can be a beauty queen or a model. She might stand 5 and 11 inches, hindi karaniwan taas para sa isang Pililina. Ang bawat galaw ng katawan nito he can't take his eyes off her.

Hindi niya pinansin si Jacob. Hindi pa din niya inaalis ang tingin sa babae, how she looks so annoyed.

" Take your chance bro, sa makalawa ma assign ka sa Mindanao. Baka hindi ka na makatikim, sulitin mo na?"

Nakakaloko pa itong ngumiti.

" Kaya, you invited all these girls?"

Naiiling niyang sabi.

" Para ma inspired kayo. You should all come back alive. Masarap mabuhay bro. And besides, they are not just ordinary girls."

Nakangisi pa din nitong sabi.

" Move your ass bago ka pa maunahan ng iba."

Pananakot nito na pumasok na sa loob. Kung saan nakakalat ang mga kasamahan niya at mga nakakalasing na alak.

Hindi niya alam nakita na lang niya ang sarili sa harap ng dalaga. He's scrutinizing her kung paanong ganun din ang tingin nito sa kanya.

Wala sa kanilang nagsasalita, mataman lang nakatitig sa isat isa.

" Did I passed?"

Tinig ng dalaga sa American accent nito.

"What?" Maang na tanong ni Theo sa dalaga.

Amused naman na tumayo ang dalaga at lumapit sa binata, without breaking their eye contact.

Gumapang ang mga daliri ni Olga sa braso nito. Hindi niya pinahalata ang kuryenteng naramdaman ng dumampi ang palad sa balat nito.

Umabot ang palad niya sa kamay ng binata na me hawak ng beer at kinuha iyon.

Matamis niyang nginitian ang binata at tinalikuran. Para siyang matutunaw sa mga titig nito.

Ininom niya ang beer na hawak na kalahati na ang laman.

" The party is inside why are you here?"

Maya maya ang basag sa katahimikan ni Theo.

" So why are you here?"

Ganting tanong ni Olga, at nilingon ito.
Lumapit ang binata at naupo sa dulong bahagi ng gazebo.

" Dahil nandito ka?"

Patanong din niyang sagot. Iniisip kung maiintindihan siya. Halata sa malapitan na hindi ito purong Pilipina. Kahit ang berde nitong mga mata na hindi niya alam kung contact lens o totoo ay bagay na bagay dito.

" Mukha bang sasayawan kita?"

Napa ngisi siya sa narinig. At mapanukso na naman itong tinitigan.

" Sorry to disappoint you but I will not do that."

Bago pa siya makapag salita ay pahabol nito.

" Estudyante ka sa Brent?"

Tanong niya kasi madaming foreigners na estudyante ang Brent University kasi maganda ang klima dito sa Baguio.

Bago pa siya makasagot nag ring na ang cellphone nito.

" Yes, Oliveros!"

Sagot nito. Habang me kausap nabigyan niya ng pagkakataon ang sarili na pag masdan ito. He is handsome and hot. She doesn't know pero ngayon lang siya nagkaroon ng pakiramdam na kung paano ba makulong sa mga bisig nito. Ang mga labi nito na gumagalaw habang me kausap, ay napag tuunan niya ng pansin.

"How does it feel to be kissed by you?"

Bulong niya sa sarili. Kunot noo naman ang binata at tumayo.

" Fine, you can use my room, Oliveros."

Hindi niya napaghandaan ang sunod na nangyari ng hapitin nito ang beywang niya.

" Let's end your curiosity."

" Ooh, narinig mo?"

" Yes!"

Namamaos nitong sabi at bumaba ang labi nito para halikan siya.

She can depend on herself katulad ng madalas na ginagawa niya pag meron gustong magsamantala sa kanya. But she allows him to kiss her! She even opens her mouth and lets him taste every corner of her mouth! And is that her, moaning?

" What's your name?"

Tanong ng binata ng matapos ang kanilang halikan still holding her.

" Miss O."

Nawala yata siya sa huwisyo dahil sa ungol niya kaya "O" lang nasabi biya.

" I'm Theo Cervantes. Miss O"

Sabi nito at muli siyang hinalikan na hindi niya tinutulan. Nang maging mapangahas ito wala pa din siyang pagtutol. Everything is new to her. She can't resist him!

" Let's go inside."

Bulong nito sa kanya. Tumango siya.

" Mauna ka susunod ako, I have to check first my sister."

Tumango si Theo at bago siya talikuran kinintalan pa siya ng halik.

Subalit sa ibang deriksiyon siya nagpunta. Natakot siya sariling nararamdaman.

The girl  who captured the General's heart!Where stories live. Discover now