Chapter 12

5.5K 157 0
                                    

" Paano ba maging worth it sa isang Olga Marie Anderson?"

Bumaling ako sa binata na matiim ang titig sa akin.

" Damaged has been done, Theo. I think it's against all odds for us."

It's true! Sigurado na magagalit ang kanyang mga magulang, sa binata pa din sinisi ang pagkamatay ng kanyang kapatid. But she saw how happy her sister after that night at malaman na nag bunga iyon. She did not regret it! How can she hate this man?

Kung sumama kaya siya sa binata ng niyaya siya nito na pumasok sa loob? Baka hindi nangyri iyon kay Olivia. But the damage has been done, gagawin na lang niya ang alam niyang makakapag saya sa kanyang namayapang kapatid.

" Ate O, let's do it again. I'm sober now!"

Tawag sa kanya ni Tia, at me hawak na itong dalawang baril. Natawa na lang siya.

" Well, well. Babawiin mo ba ang cake?"

Nakangiti kong sabi at tumayo na sa harap ng pagkain. Bahagya kong hinawakan ang balikat ni Theo bilang pag paalam ko sa kanya. Tinapik naman nito ang palad ko na nasa balikat niya.

" Good luck, hon."

Sabi nito, habang tinatapos ang pagkain.

" Of course not. The wedding cake is on me. Don't worry."

Nakatawa din nitong sabi. Nagsimula na silang mag palipas ng oras ni Tia. Mukhang kinahiligan din nito ang mag target shooting.

" You're really good at it. I'm impressed."

Sabi nito ng maubos nila ang naka laan na blank shells na ginamit nila para sa target shooting.

" Ikaw din. Wala kang mintis."

" This is my past time. Natigil lang after kong mag asawa. My husband always wants family time kung wala akong trabaho. "

" You're so lucky to have Terence huh? A loving handsome and father."

Sabi ko at nilingon ko ang asawa nito na buhat ang anak nitong lalaki na halos kaedad ni Czesta.

" I am! Pero bago kami maging ganito, nag dusa muna kami pareho."

Natawa na lang ito sa pag alala ng nakaraan.

" I like you for Kuya. Sana maging masaya din kayo tulad namin ni, Terence."

Sinsero nitong sabi. Umaasa din siyang maging masaya sila pag dating ng araw.

" After mamatay ni mommy at busy si Daddy sa tungkulin. Si Kuya ang maasahan namin sa lahat ng bagay. He took care of us, sana meron na din mag alaga sa kanya."

" Well, im willing to be that person, Tia. I like your brother mula ng una ko siyang makita. After ko umalis nothing changed I can't get him out of my mind. He visits me uninvited in my waking and sleeping hours."

Matapat niyang sabi. Bigla naman itong ngumiti.

" You know what, I'm glad you came to Kuya Theo's life. I have never seen him happy like this. He was devastated in his last assignment, thou it was a success he got his first-star general after that mission but he lost his close comrade. Medyo na war shock siya, good thing you came. See? He is smilingly genuinely again."

Lumingon siya sa tinitingnan nito. At bumilis ang tibok ng kanyang puso ng makita ang masaya nitong ngiti, habang pinapanood ang mga bata na tumatakbo at nag lalaro.

Bumalik sila ni Tia sa pavilion at pinanood ang bata. Napakatamis ng ngiti na namutawi sa kanyang labi ng umupo si Tia sa kandungan ng asawa.Masuyo naman pumulupot ang braso ni Terence sa beywang ng asawa habang me panggigil na hinahalik halikan ito sa mga braso.

Napa kislot naman siya sa pagkakaupo ng maramdaman ang braso ni Theo sa balikat niya. Nilingon niya ito upang nginitian, pero sumalubong sa kanya ang mga labi nito. Brief and soft kiss pero sapat na iyon para mamula ang kanyang pisngi. Biglang dumaan sa isip niya ang mga labi nito na kung saan saan parte ng katawan niya dumapo.

" There something in your eyes. Anong iniisip mo?" Me amusement sa mga mata nito na lalo niyang ikinapula ng pisngi.

" Huh? Wala kaya."

Pagtanggi niya na tinawanan lang nito. Naiiling na lang siya. Meron bang idea ang lalaki na ito kung gaano ito kagwapo lalo na kung ngumingiti ito.

" Ako me iniisip ako."

Nakangiti pa din nitong sabi na malapit sa kanyang tenga na nagbibigay sa kanya ng kakaibang kiliti.

" And what is it?"

Bago pa makasagot si Theo, narinig na nila ang cute na boses ng panganay na anak ni Tia na si Lavin.

" Mommy, let's go swimming."

Bumaling naman sa kanya si Tia.

" Let's go?"

Yaya nito sa kanya, na tinanguan niya naman.

" So what are you saying, honey?"

Mapanukso niyang sabi at tumayo na palayo kay Theo na wala nang nagawa kundi sundan na lang siya ng tingin.

" Sexy. Parang hindi ka nanganak."

Me paghanga na sabi ni Tia. Ngumiti siya dito. Nasa bisig niya si Czesta suot nila ang matching swimsuit na hindi niya kinalimutan na dalahin dito sa Pilipinas kasi alam niya madaming magaganda na beach dito na balak niyang pasyalan ng kanyang instant anak.

" So are you Tia? Considering you have two children already." Bahagyang siyang tumawa ng makita si Terence na nakatingin sa asawa with full of adoration.

" Mas lalo yatang na in love sa iyo ang asawa mo." Biro niya dito.Tumawa si Tia sa sinabi niya.

" Regular sexercise help's a lot, to be fit. You'll sweat  a lot."

Pilya nitong sabi habang inaalalayan ang mga anak nito sa pag lalangoy. Natawa din siya sa sinabi nito.

Inalalayan din niya si Czesta na tuwang tuwa sa tubig. Nag enjoy siya dahil sa mga halakhak ng mga bata.

Ilang beses niyang nasasalubong ang mga mata ni, Theo, na hindi niya alam kung iniwan ba siya ng tingin nito muli ng bumaba siya sa pool area na naka panlangoy.

Ilang beses niyang nasasalubong ang mga mata ni, Theo, na hindi niya alam kung iniwan ba siya ng tingin nito muli ng bumaba siya sa pool area na naka panlangoy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


" Kuya is so obvious."

Tukso sa kanya ni Tia.

" Kanina pa kayo nag susulyapan ah."

Tumawa lang siya, nararamdaman kasi niya ang mga titig nito kaya nababaling ang kanyang mga tingin sa binata. Nakaharap ito sa kanya habang me hawak na beer kasama sa mesa sina Terence at Tim.

Ang alam niya sinasamahan nilang uminom ang bunsong kapatid na si Tim dahil meron itong pinag dadaanan.

The girl  who captured the General's heart!Where stories live. Discover now