Chapter 22

5.4K 154 0
                                    

" Kaya pa?"

Nakangiti na sabi ni Theo sa kanya. Panaka naka ang kanyang pag inom, hindi niya masabayan si Gwyneth at Tia na masayang nag iinuman.

" Hindi ako lasing."

Sabi niya dito, nakatabi ito sa kanya at nakahawak sa kanyang beywang.

" Good! I want you sober for tonight."

Namula siya sa klase ng ngiti nito. Paano na? Sana malasing si Theo para makalimutan nito kung me mangyari man sa kanila.

" You know me, hindi ako basta basta nalalasing."

" Yeah, I know. You have a high tolerance to alcohol."

Matiim itong tumingin sa kanya, maya maya ay bumulong.

" I can't remember what happened that night, Olga. Do you?"

Umiling siya kasi wala naman talaga siyang alam ng gabi na iyon.

" Then will make sure we will remember tonight."

Napalunok siya ng laway sa sinabi nito. For sure, sa kanya hindi niya iyon malilimutan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, excited siya na me halong takot.

" Amm, dalhin ko na lang muna si Czesta sa room nila."

Paalam niya dito na makita na medyo nag liligalig ang bata, marahil antok na din ito.

" Sure,puntahan na lang kita sa room mamaya."

Sabi nito at humalik pareho sa kanila ni Czesta.
Nagpahatid na sila sa treehouse hotel kung saan merong nakalaan na kwarto para kay Czesta at sa yaya nito. Hindi dinala ng mag asawang Tia at Terence at kanilang dalawang anak. Kaya nag enjoy ang dalawa sa alone time nila.

Matapos mapatulog si Czesta, ay nagbilin na lang siya sa yaya nito na si Maricel na tawagan siya kung meron itong kailangan.

Paglabas niya ng kwarto papasok naman si Theo sa hotel. Hindi niya inaasahan ang paglapit ng isang babae na nasa lobby at sumugod dito ng yakap.

" Caye, what are doing here?"

So, she is Caye the longest girlfriend he had. Maganda ito at elegante. Pero asawa na siya kaya nagtuloy siya sa paglalakad para kunin ang atensyon ni Theo.

She felt dismay nang, igiya ito ni Theo at magkasama na lumabas ng hotel. Napakuyom
na lang ang kanyang kamao, at nagmamadali na lumabas ng hotel.

Padarang na pumasok siya sa treehouse dahil dinala na kanina ni Theo ang mga gamit niya dito kaninang umaga.

Pumasok siya sa bathroom at naligo, pinakalma niya ang sarili. Paglabas niya wala pa din ito, lalong uminit ang ulo niya.

Kinuha niya ang nakitang bote ng matapang na alak at nagsalin sa baso at uminom. Iyon ang naabutan ni Theo na kapapasok lang.

Sinulyapan lang niya ito at lumapit siya sa dresser. Sinuklay niya ang kanyang buhok, nagtama ang mga mata nila ni Theo sa salamin.

" Pumanta ako sa room ni Czesta pero wala ka na."

Sabi nito na nagsisimula na maghubad ng damit. Siya naman ay naka roba at naglalagay ng lotion sa mga braso at binti.

" Hindi iyon ang nakita ko."

Pasaring niya dito at inirapan ito ng lingunin siya na kunot noo.

" Me yumakap sa iyong babae sa lobby at sabay kayong lumabas ng hotel. If it happens before we get married, I will consider that as stag present for you pero dahil kasal na tayo that's cheating an Adultery! And that is a crime!"

Galit niyang sabi dito.

" Niyakap lang nangangaliwa na?"

Tanong nito na lalo niyang ikinagalit.

" Sige lalabas ako at makikipagyakapan ako sa lalaki na makita ko. Okay, lang pala eh!"

" Olga, be reasonable. Ginagalit mo ba ako para mag walkout ako sa unang gabi natin? Ayaw mo pa din bang me mangyari sa ating dalawa? Madali akong kausap, wag mo lang akong awayin."

Sabi nito at pumasok ng bathroom, narinig na lang niya ang malakas na kalabog sa bathroom
wall, parang hinampas iyon.

Parang gusto niyang maiyak, she provoked him. Ayaw niya ng ganito na wala pang isang araw meron na silang tampuhan.

Sinundan niya ito sa bathroom, hindi nito ini lock ang pinto marahil sa inis na din na nadama nito sa kanya.

Nasa ilalim ito ng shower at hubot hubad, bahagya siya nitong nilingon.

" I'm sorry."

Napakagat labi siya, sa eksena nila at sa kanyang naramdaman.

" Sorry for what?"

Tanong nito habang nagsasabon ng sarili, hindi niya alam pero natutuwa siya na pinapanood ito.

" For being unreasonable."

Bumaling siya ng tingin ng tuluyang humarap sa kanya si Theo.

" Akala ko sa pamboboso mo sa akin."

Nahihimigan niya ang panunudyo sa boses nito.

" Tsk, don't overthink Olga. I told you I will not do things that might hurt you, lalo na ngayon na mag asawa na tayo."

" Kaya nga nag so sorry ako. I can't help it, naiinis ako kasi meron ibang humahawak sa iyo. I'm very possessive Theo and selfish when it comes to you."

Nagbaba siya ng tingin dahil ayaw niya makita kung ano ang reaksiyon nito sa sinabi niya.

Napamulagat na lang siya ng hawakan ni Theo ang pulsuhan niya at ilapit ang katawan niya sa katawan nito.

" So am I, Olga. You are mine, only mine."

Pinatay na nito ang dutsa, pero tumutulo pa din ang tubig sa gwapo nitong mukha, nakulong siya sa malapad nitong dibdib, at napakapit siya sa ma muscle nitong braso.

Ramdam niya ang matigas na abs nito sa tiyan. Napaiktad siya ng maramdaman ang pagkalalaki nito na nasa kanyang tiyan, he is aroused!

" H- hintayin kita sa labas."

Nauutal niyang sabi dito, ang mga tingin nito ay nagbabadya na merong giyera kung may pipigil dito.

Anuman mang pagdadahilan niya para lumabas ay hindi na niya naisatinig ng sakupin nito ang kanyang mga labi.

Para itong uhaw sa paraan ng paghalik nito, kahit ang mga palad nito na dumadampi sa kanyang mga balat ay parang nag aapoy. Maybe he is at his limit!

" Ito na ba ang araw na pinakahihintay ko?"

Tanong nito at mga mata ay puno ng pagsusumamo na nakatunghay sa kanya.

Tumango siya. She will surrender. Panghahawakan niya ang sinabi nito na mahal siya. He will own her, body and soul.

Naramdaman niya na lang na bumagsak ang kanyang roba sa bathroom floor. And like Theo, they're both naked same as the day they were born.

" Alam mo kung bakit gusto kong tuluyang me mangyari sa atin? Hmm."

The girl  who captured the General's heart!Where stories live. Discover now