Chapter 18

5.4K 147 3
                                    

" Why? Do you want to take me to bed? And you can't wait?"

Tanong niya dito, hindi niya ma kontrol ang kaba sa kanyang dibdib.

" I don't need to marry you para ikama ka. Aren't you forgotten? We have Czesta, you're not even my girlfriend then."

Napansin niya ang pag tiim ng bagang nito ng sabihin iyon. Siya naman nalungkot ng marinig ang sinabi nito.

" Then why tomorrow? We have already arranged everything?"

" Inisip ko ang sinabi mo, about your father. Gusto ko lang magkaroon ng karapatan sa inyo. I want all the reasons to fight for you and Czesta. Hindi pa din tapos ang assignment ko, baka pag wala ako kunin kayo sa akin. I already see myself growing old with you Olga."

Tumulo ang luha niya sa sinabi nito.

" God Theo. Sinasabi mo ba yan dahil ina ako ng anak mo?"

" No! Sinasabi ko ito dahil ikaw si Olga and you have my heart, honey. You're holding it in your hand and it's up to you if you will take it or break it."

Lalo siyang naiyak sa sinabi nito

" You love me that much?"

Tanong niya habang kinulong niya sa mga palad nito ang gwapo nitong mukha. Hinalikan nito ang kamay niya.

" You have no idea, my O how much I love you."

" Do I deserve you?"

Pinahid nito ang luha na sige pa din ang pag agos. Masaya siya na malungkot.

" That's not a question My sweet O. Dahil ikaw ang pinili ng puso kung mahalin. I will risk and accept everything that's how much I love you."

" Then it's a yes, let's get married tomorrow."

Nakangiti niyang sabi kahit me luha sa mga mata.

" Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya."

Sabi nito at kinintalan siya ng halik sa mga labi.

" I'll make a call then."

Tumayo ito lumapit sa kama para kunin ang cellphone na nakapatong. Pero bago pa mahawakan nag ring na ito.

" Yes, bro."

Ilang saglit itong nakinig sa kabilang linya, bahagya siyang nilingon.

" Sure! Pupunta na kami diyan."

Pagkatapos nitong ibaba ang tawag nagmamadali itong nagbihis. Maong pants at puting v neck t-shirt ang suot nito.

" Jacob can't handle your cousin. Puntahan natin sila."

" Oh god!"

Bumangon ang pag aalala niya sa dibdib para sa pinsan. Sinasabi na at meron dahilan ang pagbabago nito.

Magka hawak kamay sila ni Theo habang binabagtas ang daan patungo sa kanilang inukopa na treehouse.

Naabutan nila naka upo sa hammock si Gwyneth at sa sahig naman si Jacob na halatang inaamo nito ang pinsan niya.

" Gwyn, are you okay?"

Tanong niya dito lumingon naman sa kanya ang dalaga at tumayo ito.

" Mabuti bumalik ka dito. Halika samahan mo akong uminom."

Yaya nito at kinuha ang alak na binili nito kanina sa bar resto bago nag walks out.

The girl  who captured the General's heart!Where stories live. Discover now