Epilogue

9.3K 233 25
                                    

" Congratulations!"

Masayang masaya sila ni Theo habang tinatanggap ang pag bati ng mga bisita.

Hindi mapawi ang kanyang ngiti habang pinagmamasdan ang ngiti ng asawa sa labi. God knows, how happy they are. Somehow it's not wrong to follow your heart.

" What can you say? Sana malasing na kita sa dami ng alak dito?"

Tanong ni Ysa na pinanindigan ang pag sagot ng drinks sa kanyang kasal.

" Ysa, we have to spend our honeymoon. Ayaw ko naman malasing ang asawa ko."

" KJ mo Kuya. Siya lang kasi pwede ko maka inuman. You know my hubby, amoy pa lang ng alak lasing na agad."

Tumawa na lang siya kasi na kwento na din nito ang pagiging mababa ng alcohol tolerance ng asawa kahit meron itong wine factory.

" Congratulations, Kuya!"

Bati ng mag asawa na parehong me akay na bata. Pretty face and a handsome man. And they have adorable twins.

" Hi, Ivanna. I'm glad you came."

Bati ni Theo at tinanggap niya ang paghalik nito sa pisngi niya.

" My, cousin and her husband Adam." Bumaling ito kay Ysa " At magkapatid silang dalawa."

Turo nito kay Ysa at Ivanna.

" Wow, good genes really run in the family."

Papuri niya sa ganda at elegante nito. Hindi mo aakalain na meron na itong mga anak.

" That's why you belong to our family. Welcome."

Masaya na sabi ni Ivanna.

" Well, ikaw na lang kaya ang makipag inuman sa akin, Ivan."

Baling nito sa kapatid.

" We're trying to have a new baby, Sister-in-law, no liquor, please. Si Sib hindi ka non tatanggihan."

Si Adam ang sumagot. Sumimangot na si Ysa.

" Asa ka don!"

Tinawanan lang siya ng mag asawa.

Ilang mga bagong kamag anak nito ang nakikala niya. At masaya kasi andito din ang kanyang mga magulang at ilang kamag anak sa kanyang father side. Kasama na din ang pag pasyal nila dito sa Pilipinas. Her husband arranged everything for them.

" I'm so happy, I really thank God for giving you to me."

Sabi niya sa asawa habang nag sasayaw sila.

" You have no idea how happy I am, for having you in my life."

Masuyo nitong bulong sa kanya.

"  Salamat sa pagmamahal mo, hindi ko akalain na ganun mo ako kamahal, Theo. At mahal din kita, at mamahalin habang buhay."

Hinawakan nito ang palad niyang nasa balikat at ipinatong sa kanyang dibdib. Nagulat siya sa lakas ng tibok niyon.

" Ganito ang epekto mo sa akin."

Nakangiti nitong sabi, bahagya siyang tumingkayad at dinampian ng magaan na halik ang labi nito.

" You're so cute, General."

Biro niya dito, at nahalina siya sa paraan nito ng pagtawa parang nag liwanag ang buong paligid.

" So are you my Dear O. You're cute, lovable and you're holding my heart."

Buong pagmamahal niyang tinitigan ang lalaking hindi niya aakalain na mag mamahal sa kanya. Ma swerte din siya at nangangako siya na sa kanya lang din ang puso niya.

The girl  who captured the General's heart!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon