Chapter 15

5.6K 140 0
                                    

" What are you doing here?"

Gulat niyang sabi ng mapag buksan sa penthouse ang kanyang pinsan na si Gwyneth. Noong isang linggo lang napakatigas nitong sabihin na hinding hindi siya uuwi ng Pilipinas.

Pinsan niya ito sa kanyang mother side. Isa itong nurse at anak ng kilalang pulitiko, matapos ang away pulitika ng pamilya pinadala ito sa Amerika. At sa halos walong taon nito sa America hindi pa ulit nakakabalik dito sa Pilipinas.

" Out of curiosity, ano ba ang meron sa Mr. Cervantes na iyan at itatapon mo na ang lahat ha?"

Sabi nito at pumasok sa loob ng penthouse at naupo sa mahabang sofa na nanduon.

" Iyon lang? Or, my mother sent you?"

Umupo siya sa tapat nito at tinitigan ang pinsan niya. Ang babaeng me bayad ang ngiti. She's pretty nasa lahi na nila iyon, pero hindi niya alam pero mukhang galit lagi ito. Sa edad na halos trenta wala pa itong asawa at hindi niya sigurado kung me nobyo ito.

"As if you will listen to me. Well, just to warn you Uncle Calvin send some men to check your man. And maybe they will drag you home."

" What!? Totoo? Damn Gwyn, hindi naman sila makikialam sa akin nasa legal na akong edad noh?!"

Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.

" Baka na impluwensyahan ni Tita Ophelia, you know her. Your father can't say no to Tita."

" Besides you can't blame them. They already lost Olivia, at nag iisa ka na lang nilang anak kaya ayaw nilang mawala ka din."

Dugtong nito, na alam niya na iyon marahil ang dahilan. Her mother still valued Filipino culture. Mapagmahal sa pamilya at pahalagahan ang sarili.At palagi niya ito pinakikinggan, she's always available for Olivia, she values her virginity kasi lagi ito ipinaalala sa kanya ng ina.

At marahil nakita niya kung paano pahalagahan ng ama ang kanyang ina. She wished to be treated like her and loved like her. And somehow, makukuha niya iyon kung ibibigay lang niya ang sarili sa kanyang magiging asawa.

" Hindi ako mawawala, mag aasawa lang ako."

Sabi niya dito, na tinaasan lang siya ng kilay.

" Hindi ka kaya I salvage ng finacee mo pag nalaman niya pinagloloko mo siya? C'mon, Olga hindi ikaw ang ina ng anak niya."

Tumawa pa ito pagkasabi noon.

" Minsan ka na nga lang tumawa nakaka insulto ka pa."

Sabi niyo dito na inirapan naman siya. Ang suplada talaga.

" Well, I'm not kidding Olga. Ayusin mo ang pinasok mo, maging tapat ka sa kanya, bago ka pumasok sa kasal na iyan. Think what you're parents will feel, kung malaman nila na ang kanilang parehong anak ay sinaktan ng iisang lalaki. You know what Uncle Calvin can do, isn't it?"

Brutal talaga ang babae ito!

" They cannot touch Theo here. And it's my choice, I will make them understand."

Pagkumbinsi niya dito na tumingin lang sa kanya habang iiling iling.

" Crazy, crazy, crazy!"

Pumapalatak nitong sabi. Para itong napagod sa pakikipag usap sa kanya. Dahil wala naman itong patutunguhan. Hanggang magpaalam na ito na babalik sa condo unit na tinutuluyan nito.

" Call Tita Ophelia. Nag aalala na siya sa inyo ni Czesta."

Bilin nito bago lumabas ng penthouse. Nahulog naman siya pag iisip pag alis nito. She can't call her mother, for sure pipilitin lang siya nito bumalik. She decided to stay unless Theo will let go of her.

" Damn it!"

She can't stay away from Theo. Mas nahulog na ang loob niya sa lalaki. Kahit naka assign ito sa malayo, hindi ito nakakalimot tumawag ang magpadala ng mensahe. Regular itong mag message kung umaga at bago matulog na para bang siya ang nasa isip pagbukas ng mata sa umaga at bago ito pumikit sa gabi.

Ilang araw siyang hindi makapag isip ng maayos kung ano ang dapat gawin. Nagulat siya ng muling sumulpot si Gwyneth sa penthouse me bitbit pa itong katamtamang laki na suitcase.

" Huh? Saan ang lakad mo?"

Gulat niyang tanong dito ng pumasok ito sa loob habang hila hila ang cabin size suitcase nito.

" Tayo!" Pagtatama nito." Pack your things at samahan mo ako, I'm bored let's unwind. Me nakita ako na bagong bukas na resort sa gitna ng gubat. I want to experience their treehouse cottages."

Inilapag nito ang brochure sa harap niya. Sinipat niya ang pinsan pero wala naman sa mukha nito na excited ito. Tumaas ang kilay nito sa klase ng tingin niya.

" Tsked. I can't, paano si Czesta?"

Tanong niya dito na kinunutan lang siya ng noo.

" Just for two days, Olga. You're breastfeeding her anyway. You trust naman her nanny di ba?"

Tiningnan siya nito na para bang hindi siya dapat tumanggi.

" I'll ask Theo first."

Sabi na lang niya dito. As usual umangat ang kilay nito sa sinabi niya.

" Don't look at me like that , you will not understand until you fell in love."

Meron lungkot na dumaan sa mga mata nito na agad din nawala. Napalitan iyon ng pag irap sa kanya.

" Fine!"

Sabi nito tinalikuran siya at nilapitan si Czesta na nasa dining area.

Agad niyang pinadalhan ng mensahe si Theo kung pwede niya itong tawagan. Hindi naman nagtagal agad itong tumawag sa kanya.

" Hey, honey. Is there any problem?"

Agad na bungad nito ng tanggapin niya ang tawag.

" You're not busy?"

" Actually wala ako sa camp. Meron lang akong pupuntahan na importante. I'll try to see you and Czesta pagkatapos ng lakad ko."

" Ganun ba?"

Nakaramdam siya ng tuwa na makikita niya ito ulit matapos ang halos tatlong linggo.

" Bakit gusto mo akong makausap?"

Nilingon niya ang pinsan na nakikipag laro sa pamangkin niya. She looks really sad. Maybe she really needs to unwind.

" My cousin Gwyneth came, niyaya niya akong samahan siya sa isang resort. Is it okay if I can go with her?"

May sandali ng katahimikan na dumaan sa kanilang pagitan nila.

"How about Czesta?"

She bit her lower lip, bago mahinang sumagot.

" I'll leave her with Maricel. I'll be away for three days max."

Paalam niya dito, na umaasa siyang pumayag ito.

" Okay, fine. Just be safe."

Napangiti siya ng maluwang at nagpaalam na sa binata.

The girl  who captured the General's heart!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon