Chapter 4

6.5K 198 0
                                    

" What do you think you are doing?"

Hindi maipinta ang mukha ng binata ng lumapit sa kanya.

" I want to swim, the sea is inviting me."

" Is it the sea inviting you or you inviting those men to feast on your body?"

Galit nitong sabi sa kanya.

" What's wrong with you? Ngayon ka lang ba nakakita ng babae na naka panty at bra sa beach? "

Galit din niyang sabi dito. Ang ganda pa naman ng dagat lalo na nasisinagan ito ng buwan.

" Magbihis ka!"

Madiin nitong sabi sa kanya. Nakikita niya ang pag igting ng mga panga nito.

" No! Maglalangoy ako!"

Matigas niyang sabi. Pero parang balewala ang galit niya kasi bigla na lang siyang pinangko nito. Nag pupumiglas siya pero mahigpit ang hawak nito sa kanya.

" Put me down! Ang kill joy mo!"

Tili niya dito. Dahil naka panty at bra lang siya, nagka dikit ang kanilang balat. She doesn't like the feeling.

"Shut up!"

Sigaw din nito.

" Aww!"

Napa igik siya ng ihagis siya nito sa kama.

" Wag mo ubusin ang pasensya ko, Olga."

Banta nito sa kanya, pumunta ito sa closet at kumuha ng isang polo at inabot sa kanya.

" Magbihis ka!"

Mariin na naman nitong utos.

" Kung ayaw kung isuot ang damit mo?"

Hamon niya dito, ganito ba ito? Lagi me pa souvenir na damit sa mga babae niya.

" Fine! Kahit mag hubot hubad ka pa basta dito lang sa loob ng kwarto ko.! I don't mind!"

Sumampa ito sa kama, napa atras naman siya hanggang masukol siya sa headboard.

" Ano huhubaran kita? O magbibihis ka?"

She can see the fire in his eyes. Umangat ang palad nito sa dibdib niya. Ang takot niya noon na hindi niya ito mahihindian ay muling bumangon sa kanyang dibdib.

" O- okay. I'll get dressed!"

Inabot niya ang polo shirt nito na ibinato sa kama.

Ngumisi naman ito na parang masaya na napasunod siya.

Umalis ito sa kama. At nag tungo sa pinto, bago lumabas nilingon siya.

" Wag na wag kang lalabas ng silid na ito kung ayaw mong magkaroon na ng kapatid si Czesta."

Banta nito sa kanya.

" Hah! As if naman papayag akong me mangyari sa atin?!"

Sa inis niya ay sigaw niya dito.

" Wanna bet? I can feel it too Olga, you want me as much as I want you."

Nakakaloko ang ngiti nitong binigay sa kanya.

" Tse!"

Iningusan niya ito at nag martsa siya sa banyo. Mag shower na lang siya at matutulog.

Kahit anong posisyon niya hindi siya makatulog. Naririnig niya ang mahinang alon at tawanan ng mga kalalakihan. Ang musika na kanina ay malakas ngayon ay bahagya na lang niya naririnig.

She will not dare to go out, baka totohanin ni Theo ang banta nito. Kanina pa siya namumuro sa binata. Baka buminggo na siya!

Paano pala kung hindi siya dumating, ano na lang ang gagawin nito at girlfriend nito na nag walk out?

Biglang kumulo ang dugo niya sa naisip. Hinampas niya ang unan. Naramdaman niya na me pumihit ng seradura kaya nagtulog tulugan siya.

Naramdaman niya na may pumasok, dumiretso ito sa banyo. Matapos ang ilang minuto tumabi na ito sa kanya sa kama.

Hinawi nito ang buhok niya na tumatabing sa kanyang mukha. Naramdaman niya na inilapit nito ang mukha sa kanya, kasi amoy niya ang minty breath nito. At hinalikan siya sa noo.

Hindi siya maka react, kasi baka hindi siya makatanggi at tugunin niya ang halik nito. She just pretends to sleep.

Naramdaman na lang niya na yumakap ito sa kanya. Hindi pa din siya gumalaw hanggang makatulog na din siya.

*********

Pinagmasdan niya ang dalaga na nag iinat sa kama. Maaga siyang gumising kasi naramdaman niya ang braso nito at binti na nakadantay sa kanya. Hindi niya gusto ang reaksiyon ng katawan niya. She likes her natural smell.

Sa pag galaw pa nito tuluyang nawala ang katawan nito sa kumot. Dahil halos mag sing laki lang sila ni Olga ang polo shirt nito ay bahagya lang natatakpan ang ibabang bahagi ng katawan.

Lumapit siya sa kama, siniguro niyang maramdaman nito ang presensiya niya. Hindi siya nagkamali, nagmulat ito ng mata. Kasunod ang pangngiti nito sa kanya. Bakit parang mas nagliwanag sa kwarto niya?

" Hey, good morning!"

" Ayusin mo sarili mo, you are tempting!"

Niyukod naman nito ang sarili.

" Hay, wag mo sirain ang araw ko. Nagsisimula ka na naman."

Kinuha niya ang paper bag at inabot dito. Pumunta siya sa bayan para bilhan ito ng damit.

" Magbihis ka."

Utos ko sa kanya.

" Ayaw ko nga! Ikaw nga naka pantalon lang, at walang pantaas."

" Because I jogged from here to town proper, I was soaked with sweat, okay?"

Naiirita niyang sabi na bumaba pa ito ng kama, flaunting her nice pair of legs.

" Damn you, O! You're such a pain!"

Mahina niyang bulong sa sarili. Dumiretso ito sa veranda kung saan nakahanda ang breakfast.

" I'm starving, come let's eat!"

Baling nito sa kanya. Umupo naman siya sa harap ng dalaga.

" I don't know what you prepare for breakfast."

Patungkol iyon sa pagkain na nasa mesa.

" It's perfect!"

Masayang nitong sabi at kumuha ng pancit bihon at nagsimula na kumain.

" Pandesal!"

She exclaimed and giggled. Naiiling na lang ito.

" I missed this food!"

Sabi nito at nakita naman nito ang suman at tinikman.

" After the Baguio incident, san ka pumunta? I can't get any information about you."

Umangat ito ng tingin at maang na tumingin sa kanya.

Bumabalik siya sa Baguio kapag hindi siya busy pero hindi niya ito nakita doon.

" Somehow you were looking for me?"

Tumango siya habang sumisimsim ng kapeng barako na popular dito sa Batangas.

" Well, after my last vacation in Baguio my father pissed off!  And he sells our vacation house so there is no reason to come back."

" I see, so I should be thankful to your little girl. Kasi wala ka pala balak bumalik ng Pilipinas kung hindi ka lang nabuntis."

" Our little girl Theo."

Pagtatama nito na hindi niya kinontra. For sure, pag sinabi nito na hindi siya ang ama ng anak she will leave the country for good!

" I'll make you stay!"

Iyon ang nasa isip niya habang tinititigan ang maganda nitong mukha.

The girl  who captured the General's heart!Место, где живут истории. Откройте их для себя