Chapter 2

7.5K 198 1
                                    

" Anong ulam ang gusto mong lutuin ko, iha?"

Dahil ilang linggo na sila dito kapalagayan niya ng loob ang mga kasama niya sa bahay. At sa loob ng mga araw na iyon, hindi niya nakikita si Theo na sobrang kinaiinis niya.

" I will not eat here today manang."

Sabi niya sa kusinera, hahanapin niya ang binata na basta na lang sila iniwan sa penthouse nito.

Meron lang itong inuutusan, para sa mga pangangailangan niya.

Hinanda niya ang sarili at siniguro na maganda siya. Sinuot niya ang pinaka provocative na damit. Maiksi ang tabas nito at labas ang kanyang cleavage. Pinarisan niya ito ng sapatos na mataas ang takong.

Sinisiguro niya na makukuha niya ang atensyon ni Theo. Kung ng una silang magkita mukha siyang bagong anak dahil sa stress.

Hindi siya nagkamali, pag pasok niya ng opisina nito, lahat natuon ang pansin sa kanya ng mga lalaki na andun.

" Where is Theo?"

Tanong niya kasi ng ilibot niya ang tingin wala doon ang lalaki.

" You must be Miss O."

Anang tinig na kaya doon niya tinuon ang pansin niya. Kahit na meron mga ngiti ang dalawa pang lalaki na andun.

" Olga, I'm Olga!"

Sabi niya dito.

" Finally!"

Sabi ng isang lalaki na tumayo at inilahad ang palad sa kanya.

" I'm Oliver."

Pagpapakila nito, na ginantihan lang niya ng tipid na ngiti.

" Where's Theo anyway? Hindi niya kami sinisipot ng anak niya."

Sabi niya dito.

" Don't worry, dadalhin ka namin sa kanya. By the way, he is Jacob and this is Louie. "

Pagpapakila pa nito sa dalawang lalaki.

" You should remember us, especially Jacob kasi kung hindi mo makita si Theo. Siya lang ang makakapag turo kung nasaan siya."

" Such a bad guy leaving beautiful lady all alone by herself."

Komento ng sinabi nito na si, Jacob.

" So shall we?"

Aniya na hindi na makapaghintay at masumbatan ang ama ng pamangkin niya.

" Sure!"

Mukhang excited na sabi ni Jacob.

" It's about time to mess Theo."

Narinig pa niyang sabi nito sa mga kasama.
Hindi na lang niya inintindi kasi kahit sa kanya me dapat itong pagbayaran dahil sa ginawa nito sa kapatid niya.

" Hey, where are you going?"

Maang na tanong ni Jacob ng balak niyang sumakay sa sariling sasakyan.

" I will get my car."

Pinigilan siya nito.

" Bad idea,sumabay ka na lang sa akin para walang choice si Theo but to drop you home."

Nakangisi nitong sabi.

" Bakit parang binibenta mo siya? Kaibigan ka ba niya talaga?"

Natawa naman ito sa sinabi niya.

" Andun ako ng una kayong magkita sa vacation house ko. It was my send-off party anyway para sa tropa na ma assign sa Mindanao."

" Ah, ikaw pala ang me kasalanan, kaya nag kagulo gulo ang buhay namin."

Komento niya dito habang, nagsisimula na silang bumeyahe.

Tumawa lang ulit ito sa sinabi niya.

" Bakit tinataguan ako ng kaibigan mo?"

Balik tanong niya dito. Patay malisya naman na nag kibit balikat ito.

" Malalaman mo din."

Tipid lang nitong sagot.

" He doesn't even have my number, ngayon lang ako binaliwala ng ganito. Wala man lang kumusta na ba kami?"

Nagagalit talaga siya sa pambabalewala nito.

" Easy Miss O."

Sabi nito na nakangiti  ng matamis.

" What's with Miss O? I'm Olga, just call me Olga."

" Ayaw mong tawagin kang Miss O? Si Theo kasi always refer you as Miss O. He likes calling you Miss O."

Paliwanag nito.

" Hah, at me gana pa siyang I kwento ako sa iba?"

Gulat niyang sabi.

" Hindi na ako iba kay Theo, we're best friends. Alam ko ang kwento ninyo. Meron lang siyang iniasikaso ngayon."

Hindi na lang siya nagsalita. Kung best friend ito ni Theo nasa huli ang loyalty nito.

Tinuon na lang niya ang pansin sa mga nadadaanan. Mahaba ang naging byahe nila hanggang makarating sila sa isang private resort sa Batangas.

" Dammit, he's hiding here?"

Reklamo niya, na sumakit ang kanyang puwet sa haba ng byahe.

Narinig niya ang tawanan sa likod ng malaking bahay.  Sumunod siya kay Jacob na dumeritso sa nagkakaingay sa likod.

" Theo, me pasalubong ako sa iyo!"

Tawag atensyon ni Jacob sa mga kalalakihan na nag lalaro ng basketball sa likod bahay.

Tumigil naman ito at tumingin sa kanila ni Jacob.Pati atensyon ng lahat ng lalaki ay napunta sa kanya.

Tumigil ang mga ito at napuno ng kantiyawan ang half-court kung san naglalaro ng basketball ang mga ito.

" What are you doing here?"

Mabilis na lumapit si Theo sa kanya.
Pero bago pa ito makalapit meron ng sumigaw mula sa upuan na andun na hindi niya napansin.

" What is the meaning of this, Theo?"

Sabi nito sa binata na hindi makasagot.

" Well, well, kaya pala hindi mo kami inuuwian ng anak mo! You should have told me you are already taken. Para bumalik  na lang kami sa states!"

Sigaw niya dito, na kapag pa tiim bagang dito.

" What a show!"

Natatawang sabi ni Jacob. At naupo sa bench habang masayang pinapanood ang uncompromising situation ni Theo.

" Bullshit, Theo! Manloloko. Break na tayo!"

Sigaw naman ng babae at umalis sa harap nila.

" Hindi mo siya balak  habulin?"

Nakakauyam na sabi ni Olga.

" Miss O wins!"

Sigaw ni Oliver, na kasunod nilang dumating.

" Shut up!"

Banta ni Theo na sinamaan ng tingin ang mga andun lalo na si Jacob.

Ngumisi lang ang mga ito at nag taas ng kamay.

" Why are you here? And what are you wearing?"

Galit nitong sabi na sinipat siya ng tingin.

" Why are you concerned with my dress? Aren't you supposed to run after her?"

Turo niya sa babae na kaaalis lang.

" Why should I? Narinig mo din siguro break na kami. So why the hell I care?"

Napaatras siya ng mas lumapit sa kanya ang binata. Dahil naglalaro ito ng basketball topless ito. Kaya kita ang malapad na dibdib at abs nito. Ang tuhod niyang never tumiklop sa presensiya ng lalaki nanghihina ngayon sa angking kakisigan nito.

His name suits him, Theo. He looks like a Greek God. Mula sa mukha nitong napaka guwapo hanggang sa kawatan na pinagpala.

" What are doing? Lumayo ka nga!"

The girl  who captured the General's heart!Where stories live. Discover now