CHAPTER 4

68 39 7
                                    

I WOKE up on a Hospital bed, I looked around to see where am I, the place looks familiar so I realized that right now I am in the same Hospital as my Mom, I saw three policemen talking with a nurse, they have probably seen me looking towards them and the nurse immediately approached me to check if I was okay and doing well.

One of the cops asked the nurse if it was okay to ask me a few questions, the nurse looked at me with questioning eyes if it was okay so I just nodded.

"Ma'am, maaari po ba sabihin niyo kung ano ang nangyari kanina?" Tanong nung isang police.

"Naglalakad po kasi ako pauwi nun para kumuha ng ilang gamit, nang may tumawag saakin na matandang lalaki, bali apat po sila, tapos nagiinuman, lasing po sila nun, tapos nagalit po ata nung hindi ko pinansin tapos ,tumakbo na po ako nung hinabol nila then doon nap o nangyari yung hold-up." I explained as one of them wrote down what I said.

"Wala po ba nakakita sainyo noon? Mga kapit-bahay?" Tanong nung isa.

Naalala ko yung lalaki na tumulong saakin, nasan na kaya yun?

"Meron po, hindi ko po mismo nakita yung identity niya, basta naka black hoodie po siya nun tsaka mask, mas matangkad po saakin."

"So, ano kinalaman niya sa crime scene?"

"Tinulungan niya po ako makatakas sa mga lalaking yun, malapit narin po siya masaksak nun pero nilabanan niya lahat hanggang sa dumating na yung mga pulis." I could still clearly remember what happened, muntik na ako mamatay.

"Alright, thank you for your cooperation Ma'am." Then umalis na sila, paalis narin sana yung nurse nang tinawag ko siya.

"Nurse, nasaan po yung nagdala saakin dito? Yung naka black hoodie tapos mask po?" Tumingin tingin din ako sa paligid nagbabaka sakali nandun siya.

"Ma'am wala naman po," sabi nung nurse, "ang nagdala lang sainyo dito ay yung paramedics." Paliwanag niya.

Ha? Eh saan nagpunta yun?

"Ah sige, thank you." Sabi ko.

"Ichecheck po kayo mamaya ng isang doctor bago kayo i-discharge, tatawagin ko na po." Pahabol niya tsaka umalis na siya.

Hanggang ngayon iniisip ko parin yung lalaking yun, kilala ko ba siya? Bakit parang nakita ko na siya?

Maya-maya dumating na yung Doctor.

"Hello miss Natalia, so this will be a very quick check up since it is nothing serious, marami kasing dumating na pasyente sa E.R." After he said that, he did check on my body temperature and blood pressure, "Done! So the reason why you lost consciousness an hour ago is because of stress and fatigue, as much as possible you need to get enough amount of sleep, kanina kasi medyo mababa blood pressure mo; if it is not taken care, your body will be weak and it will cause neurological conditions. So yun lang naman, the nurse will give you a few medicines before you leave. Yun lang naman, any questions?" He said that a little too fast, buti nalang may naintindihan ako.

Nagmamadali nga ata yung Doctor, may tumatawag din sa kanya ibang doctor, humihingi ng assistance kaya hindi na ako nagtanong since I have nothing to ask.

"Doc, wala naman po, thanks." Sabi ko.

"Okay sige, mauuna na ako." Then umalis na siya.

Biglang nagring yung cellphone ko, may tumatawag, tinignan ko kung sino iyon at si ate Gwen pala yung tumatawag.

"Oh Natalia? Asan ka na ba? Andito kami ni Papa sa Hospital, sa room ni Mom, hinahanap ka na niya." Naiirita niyang sabi.

𝐈𝐟 𝐖𝐢𝐬𝐡𝐞𝐬 𝐖𝐨𝐮𝐥𝐝 𝐖𝐞𝐞𝐩Where stories live. Discover now