Chapter 14

825 51 20
                                    


"Palakpakan naman natin ang five finalist natin. We are going to announce the grand winner later. So just sit back and relax and join us 'til the end of this program." sabi ng emcee.

Palakpakan naman ang mga tao. Maging ang mga coordinators ay pumalakpak din. Instructions sa kanila ng kanilang head coordinator na sila ang unang papalakpak sa tuwing mag-aanunsyo ang host na kailangan pumalakpak.

Dahil sa pagpalakpak ng mga coordinators ay nalimutan nilang may hawak sila, ang extension ng kilay ni Rapunzo o ni Beyonce. Nabitiwan nila ang mga extension at bumagsak ito sa sahig. Dahil sa kanilang pagkakabitaw ay nag-agawan naman ang mga batang naroroon. Nakatuwaan ng mga bata dahil maganda itong tingnan. Kanya-kanya sila ng hawak sa mahabang extension.

Ang iba ay naghilahan pa. Dahil sa pagkakahila ay minsang mapunta sa kaliwa si Beyonce minsan namang napupunta siya ng kanan. Dahil sa madikit na ginamit ni Apol dito, hindi ito basta-basta matatanggal sa kilay ni Beyonce. Pero pinagtulung-tulungan itong hilahin ng mga batang naroroon kaya't bumitiw ito sa pagkakadikit sa totoong kilay ni Beyonce. Ang malala pa nito, pati ang manipis niyang kilay ay sumama sa pagkakahila kaya't nakalbo ang totoo niyang kilay.

Sa sobrang kahihiyan ay nagtatakbo ito papalabas na sinundan naman agad ni Apol.

Pilit namang ginagawan ng paraan ng emcee na iayos ang programa upang hindi magkagulo.

"I think everyone is craving for the food that our celebrant prepared for us. So i think the buffet is now ready. So before you go to the buffet table, every table has a  number and once your number was called, you have to go here in front to have a picture with our celebrant before going to the buffet. And by the way, our photobooth is still open so sa mga gusto pang magpa-picture sa photobooth, just proceed at the entrance. Nandoon po ang ating photobooth." anunsyo ng emcee.

Samantala, muling bumalik sa holding area si Beyonce dahil sa pangyayari. May isa pa siyang nakahandang pasabog pero masisira ang kanyang plano kung gagawin niya agad ito.

"Ma'am." bungad ni Apol na sumunod sa amo.

"Apol buti nand'yan ka. Please do something. Tulungan mo naman ako. Dali na, bago mag-proceed ulit ang program. Magkakainan pa naman eh. 'Wag mong,sabihing gutom ka na." saad ni Beyonce na mangiyak-ngiyak dahil sa nakalbo niyang kilay.

"Naku teka ma'am ha, mag-iisip lang ako saglit. Isip-isip Jimmy Neutron." turan ni Apol habang dinudutdot niya ang kanyang sintido. "Kaya nga sinundan kita dito eh. Wala pa naman akong dalang gamit ngayon." dugtong niya.

"Sige nga Apol please mag-isip ka na, tutal 'yan lang ang pakinabang ko sa 'yo." saad ni Beyonce habang naglalakad ito ng pabalik-balik sa holding area.

"Relax ka lang ma'am." tugon ni Apol habang nag-iisip siya. "Ah alam ko na ma'am. Saglit lang ha. Saglit na saglit lang.

"May naisip ka na? Naku savior talaga kita Apol. Sige hintayin kita." bahagyang nangiti ang tensyonadang si Beyonce.

Samantala, nagbalik na si Shakira sa kanilang mesa galing sa comfort room dahil sa biglaang paghilab ng tiyan nito. Bahagya siyang nagtagal dahil nahirapan siyang hubarin at ibalik ang suot niyang costume na catwoman.

"Siiis, kaaaiiiinaaan naaa paaalaaa." bungad ni Shakira.

"Ay andyan ka na pala, umupo ka na. H'wag ka na pumila at seserve-an tayo ng waiter. Ang tagal mo, hindi mo naabutan 'yung nakasama sa top five costumes. Ang gaganda."  tugon ni Belle.

"Saaayaaaang naaamaaan. Siiinooo naaanaaalooo?" tanong ni Shakira pagkaupo nito.

"Wala pa. Mamaya pa ia-announce."  si Belle.

MOTHER MOTHER I AM SICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon