Chapter 50

701 55 24
                                    


Tuluyang napahagulgol si Belle sa ginawang pag-alis ni Clifford. Nais pa sana niyang magpaliwanag subalit natantiya niyang hindi na siya papakinggan nito dahil sa paniniwala nito sa mga bintang sa kanya ni Beyonce.

Maagap namang dumamay si Apol sa kaibigan, tinabihan niya ito at niyakap.

"Marsy, alam mo naman ang totoo 'di ba?" saad ni Belle habang pumapalahaw ito. "Napaka-unfair nila."

Nagkaroon naman ng bahagyang pagdududa si Manang. Kung pagbabasehan niya ang mga narinig at nakita niya, madali din siyang maniniwala, pero dahil kilala niya ang pagkatao ni Belle, nais pa din niyang marinig ang panig nito upang malaman niya ang puno't dulo ng kaguluhang iyon. Lumapit siya at umupo sa kabilang panig ni Belle st humimas sa likod nito.

"B-belle. . . a-ano ba kasi ang totoo?" aniya.

Nang marinig ni Belle ang tinig ni Manang ay mabilis nitong ipinihit ang katawan at yumakap dito.

"Minang, hindi ako masamang tao. Kilala mo 'ko Minang. Alam mo kung ga'no ko kamahal si Clifford."

"Alam ko 'yun, p-pero ano ba 'yung mga sinasabi ni Beyonce? Saka 'yung mga litrato, bakit ganu'n?"

Umalis sa pagkakayakap si Belle at hinarap si Manang. Hindi pa rin maampat ang pagluha nito.

"Minang, hindi ko magagawang lokohin si Clifford. Tulungan mo naman ako Minang," anito at muling yumakap.

Hinagod-hagod ni Manang ang likod ni Belle upang mahimasmasan ito. Napatingin siya ng makahulugan kay Apol, nagtatanong. Gusto mang magsalita ni Apol pero hindi pa niya maisatinig ang nais sabihin dahil sa paghihinagpis ng kaibigan.

"Kaya diskumpyado ko sa pagmumukha ng dalawang 'yun eh," biglang singit ni Lucia. "Unang tingin ko pa lang eh mukhang hindi na gagawa ng mabuti."

"Tigilan mu nga 'yang pag-iyak mu Belle. Ipaliwanag mu nga sa 'min ang tutuu."

"Ganito po kasi 'yun Tita Lucia . . ."

"Ikaw ba si Belle?" putol ni Lucia sa pagsabad ni Apol.

"S-sabi ko nga po, hintayin po nating mahimasmasan si marsy," pagtutuloy ni Apol.

Isinalaysay ni Belle ang kanilang nakaraan ni Gascon at kung paano ulit nag-krus ang landas nila. Pahikbi-hikbi man ay naikwento niya ng buong detalye sng tungkol doon, hindi niya namalayan ang reaksyon ni Manang at ni Lucia.

"B-bakit po kayo umiiyak Minang . . . Mama?" nagtatakang tanong niya.

"Nakakaiyak naman pala 'yung love story n'yo," ani Manang.

"Uu nga, sayang naman at hindi kayu nagkatuluyan," dugtong naman ni Lucia.

"Dati po nanghihinayang ako, pero simula po nang naging asawa ko si Clifford, kinalimutan ko na po ang lahat ng 'yun. Masaya na po ako ngayon sa buhay ko."

"Pero hindi pa din pala nakaka-move on si Gascon 'noh?" ani Manang.

"Sana makatagpu din aku ng ganu'ng lalaki," dugtong ulit ni Lucia.

"Mare naman, 'di ba may ka-chat ka na," singit ni Manang.

"Risirba ba mare, saka 'yung ganu'ng kabata," tugon ni Lucia. "Nasa'n na ba 'yung brislet, sayang, mukhang mamahalin pa naman."

"Tita Lucia, akin na po 'yun, binigay na po sa 'kin ni marsy," sabad ni Apol. "Papatanggal ko na nga dapat 'yung pangalang nakaukit eh,  bigla lang nawala."

"Hindi nga aku nagkamali," ani Lucia.

"Na ano tita?" sapo ni Apol. "Tungkol kina Beyonce at Shakira?"

MOTHER MOTHER I AM SICKDonde viven las historias. Descúbrelo ahora