Chapter 29

694 35 9
                                    


Pagkabalik ni Clifford ng kwarto ay dumiretso agad ito ng banyo upang maligo. Naalimpungatan naman si Belle sa narinig niyang lagaslas ng tubig mula sa dusta.

Napuna ni Clifford na nagising ang asawa pagkalabas niya ng banyo, plano pa sanang magtulug-tulugan ni Belle subalit nakita na siya ng asawa na bahagyang bumangon upang silipin si Luna. Gaya ng ipinayo ni Gascon, si Belle na ang unang bumati sa asawa na tila wala silang pinagtalunan.

"Sweetheart, kakapasok mo lang?" bungad ni Belle.

"Oo sweetheart, halos sabay kami ni Apol." sagot ni Clifford habang nagpupunas ng tuwalya sa ulo nito. "Sorry nga pala kanina sweetheart ha. Pare-parehas lang kasi tayo nag-alala kay Pieter." dugtong agad nito.

Ramdam ni Belle ang pagluwag ng kalooban niya sa paghingi ng paumanhin ng asawa. "Sorry din swertheart. Tara na, matulog na tayo." aniya.

Samantala, naalimpungatan naman si Shakira sa kanyang pagkakatulog habang nakadukmo sa mesa. Nagulat pa siya ng mapansin na naroon din si Beyonce.

"Frieeendshiiip...frieeendshiip. Giiiisiiing naaa frieeendshiiip." inuga-uga pa ni Shakira abg balikat ng kaibigan.

"Aaanooo kaaayaaa naaangyaaariii?" sabi ni Shakira sa sarili.

"Uhmm. Clifford, tara na tulog na tayo." pupungas-pungas na wika ni Beyonce.

"Frieeendshiiip taaayooo naaa laaang daaalaaawaaa aaang naaandiiitooo." tugon ni  Shakira.

Biglang napabalikwas sa pagkakaupo si Beyonce at luminga-linga pa sa paligid.

"Bakit hindi mo 'ko agad ginising friendship? 'Asan si Clifford?" tanong ni Beyonce.

"Frieeendshiiip, aaakooo uuunaaang naaakaaatuuulooog. Hiiindiii kooo aaalaaam." tugon ni Shakira.

"Hmp, tara na nga at baka dito pa tayo abutan ng liwanag. Don't worry friendship, marami pa namang pagkakataon at marami pa 'kong nakahandang plano. Pasasaan ba't mahuhulog din 'yan sa 'kin 'yang si Clifford." ani Beyonce na tumayo na at sinuklay-suklay ng daliri ang buhok.

Kinabukasan ay maagang nagpatawag si Apol para sa awarding upang makauwi agad lahat ng empleyado.

Matapos igawad ang medalya sa bawat team ay inanunsyo na ni Apol na magsipaghanda para sa kanilang pag-uwi. Kanya-kanyang ligpitan ng mga gamit ang lahat.

"Baka may naiwan pa tayo sweetheart ha." turan ni Clifford sa asawa.

"Ayos na lahat. Pati 'yung dala nating sabon at shampoo nakuha ko na." tugon ni Belle.

"Okay mauna na kayo ni Luna ay Fritz sa bus. Ako na magla-lock nitong pinto bago ko issurender 'yung susi." sambit ni Clifford. "Fritz, you go with your Mama Belle, Pieter you stay and go with me."  baling nito sa mga anak.

Nauna nang lumabas si Belle na karga si Luns habang akay si Fritz. Muli namang ininspeksyon ni Clifford ang kwarto kung wala na silang naiwang gamit. Palabas na sila ng pintuan ni Pieter nang may bagay siyang matalisod. Isang kwintas na gawa sa ginto ang nakita niya. Dinampot niya 'yun at nakilatis niyang mataas ang halaga ng kwintas.

Nakakasiguro siyang hindi kanya 'yun dahil kilala niya ang mga alahas niya. At sigurado din siyang hindi kay Belle 'yun dahil panglalaki ang kwintas na napulot niya. Saglit siyang napaisip, kapagdaka'y inilagay  na niya muna iyon pansamantala sa kanyang wallet at itinuon ang atensyon sa pag-alis sa lugar na 'yun.

Samantala ayaw pa ding magpaawat ni Beyonce sa pagpapapansin kahit pauwi na sila.

"Apol, may naka-ready ka ba para sa 'kin? Tingnan mo i look so haggard." nagmamadaling sambit ni Beyonce.

MOTHER MOTHER I AM SICKOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz