Chapter 33

738 37 17
                                    


"A-ako na kukuha." wika ni Belle.

"Ako na. Pahingi na lang ako ng lalagyan." tugon ni Gascon na hindi inaalis ang pagkakatitig kay Belle.

"Dito ko na lang ilalagay." ang nalaglag na lalagyan ang tinutukoy ni Belle na hindi pa din binibitawan ni Gascon.

"Ako na lang para hindi ka na maabala." ani Gascon. "Ah, Belle may ibibigay nga pala 'ko sa 'yo." Mabilis itong may dinukot sa kanyang bulsa at iniabot 'yun kay Belle.

"Ano 'to?" sabay bitiw ng hawak nitong lalagyan upang tingnan ang maliit na kahong parihaba na iniabot ni Gascon.

"Buksan mo. Para sa 'yo talaga 'yan." ani Gascon.

Pagkabukas ni Belle ay napadilat ito ng bahagya pagkakita sa laman ng kahon. Isang gold bracelet na may dalawang puso na nakalawit sa kawitan nito.

"Para saan 'to? Gascon, ano na naman ba 'to?" mahinang saad ni Belle.

"Wala. Bigay ko lang sa 'yo. Wala namang ibang ibig sabihin 'yan. Saka binili ko talaga para sa 'yo 'yan. Kung gusto mong itapon ikaw ang bahala. Pero kung itatapon mo sana naman eh 'yung hindi ko nakikita." si Gascon.

"Mukhang mamahalin pa 'to. Sana sa nanay mo na lang binigay." si Belle.

"Maraming alahas si Nanay. Sige na tanggapin mo na. Masaya na 'ko kapag tinanggap mo 'yan." nakangiting sabi ni Gascon.

Pagbalik ng kanyang kwarto ay mabilis na naipadala ni Shakira kay Beyonce ang litrato ni Belle at ni Gascon. Lihim na nangiti si Beyonce. Nakaisip agad ito ng paraan upang mahuli ni Clifford ang ginagawa ng dalawa sa kusina.

"Ah Clifford mukhang ang tagal naman yata ni Mr. Buenafe. Sa Mount Everest pa ba kumuha ng yelo 'yun?" Pinakita pa ni Beyonce kay Clifford na naiinip siya sa pagbalik ni Gascon.

"Ah wait. Sige, puntahan ko na. Okay lang ba iwan kita sandali Ms. Beyonce?" ani Clifford.

"No problem Cliff." nakangiti namang tugon ni Beyonce.

Tumungo agad ng kusina si Clifford upang tingnan kung nakakuhs na ng yelo si Gascon. Napangisi naman si Beyonce pagtalikod ni Clifford.

Alam ni Apol na nasa kusina si Gascon. Naiisip niyang magkausap ito at si Belle. Sa kanyang pangambang makita ito ni Clifford at mag-isip ng hindi maganda, naisipan niya itong libangin panandali.

"Pards, iniwan mo si Ma'am sa labas?" bati niya agad dito.

"Puntahan ko lang si Mr. Buenafe, kukuha daw siya ng yelo eh wala pa hanggang ngayon." tugon ni  Clifford.

"Ah si Gascon, ano, nagkakwentuhan kasi kami saglit kaya kapupunta lang niya ng kusina."  naisip na dahilan ni Apol.

"Sige, sundan ko na." akma ng palakad si Clifford nang muling nagsalita si Apol.

"Pards oh. Tinitingnan ka ni Luna. Ang daldal na ng inaanak ko. Panay ang kwento, hindi naman kami magkaintindihan." tumawa pa si Apol.

"Hi baby. Daddy and mommy are busy. D'yan ka muna kay ninang ha." baling naman ni Clifford sa anak. "Sige punta na 'ko dito. Baka mainip si Beyonce."

"Pards, ako na kukuha. Harapin mo na lang si Ma'am sa labas." bahagyang humarang si Apol sa dadaanan ni Clifford.

"Ako na, mukhang enjoy n enjoy si Luna sa 'yo oh. Mamaya tulog na 'yan, kapag ganitong oras yan natutulog." ani Clifford.

"Bakit ba naman kasi napakatagal ni Gascon sa kusina." sabi ni Apol sa sarili. Naisipan niyang ilakad si Luna papuntang kusina upang unahan si Clifford.

Aktong isinasauli ni Belle ang ibinigay sa kanyang bracelet ni Gascon nang dumating si Apol. "Gascon, 'yung yelo daw. Ayan na si Sir." mabilis subalit mahinang sambit ni Apol.

MOTHER MOTHER I AM SICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon