Chapter 24

653 33 5
                                    


Tatlong oras na nakatayo si Beyonce sa bus. Paminsan-minsan itong naglalakad upang mamigay ng pagkain o inumin sa mga empleyado. Hanggang dumating ang kanilang sinasakyan sa kanilang destinasyon.

Isang private resort na may dalawang swimming malaking swimming pool at may malaking espasyo na kadalasang ginagamit sa mga okasyon sabi ng may-ari, gaya ng debut o kasal. May mga nag-team building na din daw doon galing sa iba't-ibang kumpanya.

Akma na sanang tatayo upang bumaba ang mga empleyado ng Healthy Living Incorporated nang biglang inawat ito ni Apol.

"Wait lang po mga kasama. Manatili muna po tayong nakaupo lahat. Sa pagbaba pa lang ng bus na 'to ay magsisimula na ang ating activity." bungad ni Apol. "Ma'am sige po experience n'yo muna ang upuan." baling nito sa amo niyang si Beyonce.

"Okay ang tawag po dito ay trust fall. Bawat bababa ay tatalikod sa pinakahuling estribo at pahiga n'yong ibabagsak ang inyong sarili."  luminga-linga si Apol upang maghanap ng makakatulong sa gawaing 'yun.

"Ah Sir Clifford pwede po ba kayo ang isa sa mga sasapo?" tinugunan agad ni Clifford 'yun at agad itong bumaba ng bus.

"Isa pa, 'yung medyo singlapad ni sir Clifford?" patuloy sa paglinga si Belle. "Ah Mr. Gascon Buenafe. Pwede pakisamahan si sir sa baba?"  umayon naman si Gascon.

"So para saan po itong activity na 'to? Dito natin maipapakita ang tiwala natin sa mga kasamahan natin sa trabaho. So 'yung mga bata at 'yung family ng mga boss natin eh hindi na natin isasali dito. Paunahin na po natin silang bumaba. Sige po mauna na po kayo, Mr. and Mrs. Villena, Mrs. Barkman sige po baba na po kayo. Manang Lucing... Shakira sige sunod na kayo." patuloy ni Apol.

"Ma'am, sa huli na po kayo ha para mapahinga muna kayo. Iretetouch ko na lang kayo mamaya." bulong ni Apol kay Beyonce.

"Okay na po ang lahat ha. So ako muna ang unang gagawa. Kung ang mga jowa n'yo ay hindi kayo kayang sapuhin kapag nahulog kayo, dito sa kumpanya natin, ipapakita natin ang pag-alalay sa atin ng kapwa natin empleyado. Eto mauuna na 'ko. Sir Clifford... Mr. Buenafe, okay na ha." si Apol.

Mula sa itaas ng estribo ay pahiga na bumagsak si Apol at sinapo naman siya nina Gascon at Clifford.

"Okay na ha. So ibigay lang po ang tiwala n'yo. Next na po." sigaw ni Apol na nasa ibaba na ng bus.

"Next." sigaw ulit niya nang matapos ang sumunod sa kanya.

Hanggang  nagsunod-sunod na ang pagbaba ng pabuwal ng mga empleyado. May mangilan-ngilan na babae na bahagya pa ding kinakabahan.

"Sige po 'yung tapos na pwede na pong pumasok." sabi ni Apol.

Nanatili naman si Belle at ang mga anak na nakaantabay kay Clifford. Nakakaramdam na ng pagka-irita si Luna dahil unti-unti ng umiinit ang sikat ng araw kahit umaga pa lang. Si Shakira ay nauna na din upang sumilong.

"Next." sigaw pa ulit ni Apol.

Natapos na ang lahat hanggang si Beyonce na lang ang natira.

"Last na kayo ma'am?" tanong ni Apol.

"Oo." tugon ni Beyonce at tumalikod na ito.

Hindi na natiis ni Luna ang init. Naiiyak na ito at nagagalit na sa inang si Belle. Sa inis nito ay hinampas sa mukha ang ina.

Napasigaw tuloy si Belle. "Aray."

Dahil sa pagkakasigaw ni Belle, napalingon bigla sina Clifford at Gascon. Saktong pabagsak si Beyonce. Lumagpak ito sa sahig na hindi namalayan ng dalawang taga-sapo.

"Why?" malakas na tanong ni Clifford.

"Si Luna eh, naiinip na. Naiinitan na siguro." bahagya ding nilakas ni Belle ang sagot dahil nasa sampung metro ang layo niya dito.

MOTHER MOTHER I AM SICKWo Geschichten leben. Entdecke jetzt