Chapter 54

697 66 23
                                    


Pagpasok ni Clifford sa silid ay nabungaran niyang nakatingin agad sa kanya si Gascon mula sa kinauupuan nito sa kabisera ng mahabang parihabang mesa. Hindi niya kalkulado ang mga tinging iyon pero sinalubong niya ito ng buong tapang.

Hindi rin niya ito naringgan ng pagbati nang pumasok siya pero nakikita niya ang
pormalidad sa kilos nito. Wala siyang balak maupo dahil para sa kanya ay hindi iyon isang pagpupulong. May bahagyang kaba man sa kanyang damdamin pero nakahanda na siya sa anumang ipagtatapat o sasabihin sa kanya nito.

"What brought you here Mr. Buenafe?" kaswal niyang wika. "Marami kong trabaho sa opisina."

Naramdaman ni Clifford ang unti-unting pagbalik ng kanyang galit at hindi niya ito mapigilan. Hindi rin niya kayang magpaka-pormal sa harap ng taong iniisip niyang sumira ng kanyang pamilya.

"If this is about you and Belle, you can immediately go out of this room because it's just a waste of time. Kayo ang mag-usap, 'wag n'yo na 'ko idamay."

Dahil sa narinig ay biglang tumayo si Gascon, ang malumanay na mukha nito ay bahagyang tumapang na tila nakahanda sa anumang laban. Itinukod nito ang dalawang palad sa mesa bago ito bumwelo sa sasabihin.

"Sir, may respeto pa din ako sa inyo kahit nag-resign na 'ko, pero nagpunta ako dito bilang tao kaya kung pwede ay harapin n'yo din ako bilang tao," mabilis na turan ni Gascon.

Hindi natigatig sa pagkakatayo si Clifford, hindi rin siya tumugon sa sinabi ni Gascon. Ipinapahitawig niyang makikinig siya sa sasabihin nito.

"Babalik na 'ko ng Davao, aaminin ko gustong-gusto kong magpaalam kay Belle pero hindi ko na gagawin. . .

Napatitig ng matalim si Clifford kay Gascon pagkabanggit ng pangalan ng asawa niya.

"Masyado kang naging mapanghusga sir, hinusgahan mo 'yung taong walang kasalanan sa 'yo. Alam mo sir kung mayroon mang may kasalanan sa sitwasyong ito, walang iba kundi ako.

"Ang swerte mo sir, alam mo kung bakit? Dahil  hindi mo na hinanap 'yung taong totoo, 'yung hinahanap ng kagaya nating lalaki. Siya na ang kusang dumating sa buhay mo.

"Hindi ko na ikukwento kung ano ang pinagdaanan namin ni Belle, pero sir, kaming dalawa ang nangarap, kaming dalawa 'yung nag-iisip na nang kinabukasan namin, dahil akala namin kami na ang magkakatuluyan.

"Bumalik ako dito sa Maynila para lang hanapin siya ulit, nag-apply ako dito sa kompanyang 'to habang hinahanap ko siya, pero akalain ko ba namang dito ko lang pala siya makikita, ang masakit pa, may asawa na pala siya."

"Kaya nagkaroon kayo ng chance na ituloy ang relasyon n'yo!" madiing giit ni Clifford.

Napatikhim si Gascon. "Ituloy? Sige, aaminin ko gusto ko talagang ituloy dahil mahal na mahal ko si Belle, pero mahal ka ni Belle sir. Hindi niya magagawa iyon sa 'yo. 'Yung mga regalo kong ibinigay sa kanya, ipinilit ko lang 'yun na tanggapin niya dahil kahit papa'no, nakukuntento na 'ko nu'n sir, masaya na 'ko nu'n dahil hindi ko nagawa sa kanya 'yun nu'ng mga estudyante pa kami.

"Pictures? Napakadali mo namang napaniwala sa mga simpleng litrato. Alam mo sir, wala na talaga kong planong makipag-usap sa 'yo eh. Pero ginagawa ko 'to alang-alang kay Belle.

"Hindi ko din ugaling manira ng ibang tao . . . alam mo sir kung sino ang may pakana ng lahat ng 'to. Ang gusto ko lang sabihin eh sana matimbang mo sa sarili mo kung sino ang nagsasabi ng tama.

"Magiging totoo na din ako sa 'yo sir, kung hihiwalayan mo si Belle nang dahil sa walang kakwenta-kwentang dahilan, hindi ako magdadalawang-isip na ligawan siya ulit.  Bahala ka na sir kung sasabihin mo sa kanya ang pag-alis ko.

MOTHER MOTHER I AM SICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon