Chapter 32

721 39 10
                                    


Kasalukuyang inihahanda ni Belle ang mga nalutong pagkain nang siyang pagdating ng grupo nila Beyonce. Dinatnan nila si Clifford na nasa sala habang nilalaro ang naggagabay nang si Luna.

"Hi. Napasyal kayo?" bati agad ni Clifford na bahagyang nagulat nang labasin nia ang mga ito upang pagbuksan ng gate. "Pasok." dugtong niya agad.

Kumamay naman agad si Gascon at si Apol. Samantalang bumeso pa si Beyonce pagkabati nito.

"Sweetheart may bisita tayo?" malakas na turan ni Clifford.

Unang lumabas ng sala si Shakira galing sa kwarto nito at agad nakipagbesuhan sa kaibigang si Beyonce.

"Sino sweetheart? Wait lang." tugon ni Belle.

Dumiretso naman agad ng kusina si Apol upang makita agad ang kaibigan.

"Marsy ano ba 'yang pinagkakaabalahan mo?" si Apol.

"Huy ikaw pala marsy. Eto nagluto ako ng mga favorite ni Clifford. Marami 'to. Buti naman naisipan mong pumasyal?" tugon ni Belle.

"Marsy kasama ko si Ma'am Beyonce at Gascon. Nagyaya si ma'am eh. Naiinip daw siya. Sira daw 'yung sasakyan niya kaya nagpasama kay Gascon." halos pabulong na turan ni  Apol.

Biglang napatigil si Belle sa ginagawa. "Huh? B-bakit ano meron? Bigla-bigla naman yata. S-saka wala bang ibang masasakyan kayo at kay Gascon pa?" aniya.

"Oh bakit naman? Saka eh ano ba? Past is past. Alam na ba ni Sir Clifford 'yung past n'yo ni Gascon? Naikwento mo ba?" pabulong ni Apol.

"Naku, 'wag na noh. Ibaon na natin sa limot 'yun marsy. Baka kung ano pa isipin ni Clifford. Hayaan mo ng ang alam lang niya eh naging magkaklase kami nuon." saad ni Belle. "Buti na lang pala at nakapagluto ako." pag-iiba ni Belle ng tema.

"Ano ba 'yang niluto mo?" si Apol.

"Eto tofu kare-kare, mix vegetables at lasagna. Nagpaturo pa 'ko kay Minang kung paano lutuin 'to." tugon ni Belle.

Napakunot ang noo ni Apol nang matanawan ang mga pagkaing inihanda ni Belle.

"Marsy, may dala din kami pagkain at napaka-co incident naman na kapareho ng dala namin yang mga niluto mo?" ani Apol na nagtataka.

Itatanong pa sana ni Belle kung sino ang may dala ng pagkain at nagluto nang biglang pagdating ni Clifford ng kusina.

"Sweetheart, matagal pa ba 'yan? Ilalabas ko na 'yung folding table para du'n na lang tayo kumain sa garden." sambit ni Clifford. "Apol paalalay muna nga kay Luna. Ang likot na eh. Gusto puro lakad eh lagi namang nadadapa."

"Sige sir." tugon ni Apol.

"Apol nasa bahay tayo, para ka namang hindi ninang ni Luna n'yan." si Clifford.

"Ah sorry sir. Ah pards pala." pagtutuwid ni Apol sabay tungo nito sa sala habang alalay si Luna.

"Sweetheart, balikan kita ha. Ayusin ko lang 'yung labas. May dala din silang food eh." sabi ni Clifford bago ito tuluyang lumabas.

Katulong ai Gascon, inayos nila ni Clifford ang mga mesa at upuan sa garden. Habang nagkukwentuhan naman sa gawing garahe katabi ng hardin ang magkaibigang Shakira at Beyonce.

"Manuod ka sa pasabog ko mamaya friendship. Salamat ha." bulong ni Beyonce.

"Maaasaaaraaap baaa 'yaaang daaalaaa mooo frieeendshiiip? Muuukhaaang maaasaaaraaap paaagkaakaaaluuutooo nuuung kaaay Beeelle, naaglagpaaatuuurooo paaa kaaay Maaanaaang 'yuuun." tugon ni Shakira.

"Ay naku, i'm sure na masasarapan si Clifford.  At tiyak na re-request pa siya ulit. And the saying goes, the best way to a man's heart is through his stomach." saad ni Beyonce habanf pinapanuod ang dalawang lalaki sa ginagawa nito.

MOTHER MOTHER I AM SICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon